settings icon
share icon
Tanong

Paano tutugon ang mga Kristiyano sa pandaigdigang gutom at kahirapan?

Sagot


Ayon sa pinakahuling statistika, mahigit sa 840 milyong katao sa mundo ang kulang sa nutrisyon at walang makain. Araw araw, may dalawamput anim na libong kabataan ang namamatay dahil sa gutom, kahirapan at mga sakit na disin sana’y malulunasan. Sa napakaraming populasyon ng mundo na nasa nakalulunos na kalagayan, ano ang gagawin ng mga Kristiyano? Pano tutugon ang Iglesya sa sitwasyong ito?

Dapat na tumugon ang mga Kristiyano sa pandaigdigang kahirapan at gutom ng may kahabagan. Ang pagkakaroon ng tunay na kahabagan para sa nangangailangan gaya ng ginawa ni Hesus (Markos 8:2), ay nagangahulugan na dapat tayong maging sensitibo, nagmamalasakit sa kanila at nakahandang gumawa ng paraan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang pagkakaroon ng kahabagan sa isang nangangailangang kapatid ay ebidensya ng pag-ibig ng Diyos na nananahan sa ating mga puso (1 Juan 3:17). Napararangalan natin ang Diyos sa tuwing nagpapakita tayo ng kabutihan sa mga nangangailangan (Kawikaan 14:31).

Dapat na tumugon ang mga Kristiyano sa pandaigdigang kahirapan at gutom sa pamamagitan ng gawa. Ang pananalangin para sa mga nangangailangan ay isang bagay na dapat gawin ng mga Kristiyano. Ngunit bukod dito, dapat na gawin ng mga Kristiyano ang kanilang bahagi upang pagaanin ang pagdurusa ng mga dumaranas ng kahirapan at gutom. Sinabi ni Hesus, “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan… sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso” (Lukas 12:33-34). Gaya ni Tabitah, dapat na ginugugol natin ang ating panahon “sa paggawa ng kabutihan at pagkakawanggawa” (Gawa 9:36).

Ang mananampalataya na nagpapakasakit sa pagbibigay sa mahihirap ay pagpapalain ng Diyos. “Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad” (Kawikaan 19:17). Ang mga pagpapalang ito na mula sa Diyos ay maaaring sa espiritwal at hindi sa materyal, ngunit tiyak ang gantimpala – ang pagbibigay sa mga mahihirap ay pagiimpok para sa walang hanggan.

May ilang mga organisasyong Kristiyano na hindi lamang gumagawa upang solusyunan ang kahirapan at gutom, kundi upang ibahagi ang Ebanghelyo ng Panginoong Hesu Kristo. Ang halimbawa ng mga grupong ito ay ang Compassion International na nagsisikap na katagpuin ang espiritwal at pisikal na pangangailangan ng mga tao.

Dapat tumugon ang mga Kristiyano sa pandaigdigang kahirapan at gutom ng may pag-asa. Maaaring tumulong ang mga mananampalataya sa mga mahihirap ng may pagtitiwala na kasangkapan sila ng DIyos sa pagpapalaganap ng Kanyang gawain dito sa mundo: “Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan” (Awit 140:12). Gumagawa ang mga mananampalataya na may pag-asa sa muling pagdating ni Hesus, at “Hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama” (Isaias 11:4).

hanggat hindi dumarating ang dakilang araw ng katuwiran, sinabi ni Hesus, “lagi ninyong kasama ang mahihirap” (Mateo 26:11). Dahil dito, mayroon tayo ng napakaraming pagkakataon – at ng napakahalagang obligasyon – ang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano tutugon ang mga Kristiyano sa pandaigdigang gutom at kahirapan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries