settings icon
share icon
Tanong

Bakit may dalawang magkaibang kwento ng paglikha sa Genesis 1 at 2?

Sagot


Sinasabi sa Genesis 1:1, "Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa." Pagkatapos, sa Genesis 2:4, tila nagumpisa uli ang isang kakaibang kwento ng paglikha. Ang ideya ng dalawang magkaibang kwento ng paglikha ay isang karaniwang misinterpretasyon ng dalawang sitas na ito ngunit ang katotohanan, tinatalakay ng dalawang ito ang parehong paglikha. Hindi sila tumututol sa isa't isa kung ano ang mga bagay na nilikha at lalong hindi nila sinasalungat ang isa't isa. Inilarawan sa Genesis 1 ang "anim na araw ng paglikha" (at ang pamamahinga ng Diyos sa ikapitong araw), samantalang saklaw lamang ng Genesis 2 ang paglikha - sa ika anim na araw- at hindi kinokontra ang Genesis 1.

Sa Genesis 2, nilingon ng may akda ang ikaanim na araw ng gawin ng Diyos ang tao. Sa unang kabanata, inilarawan ng manunulat ng Genesis ang paglikha sa tao sa ika anim na araw bilang pinakahuling bahagi o rurok ng paglikha. At pagkatapos sa ikalawang kabanata, binigyan ng manunulat ng mas malawak na detalye ang pagkalikha ng Diyos sa tao.

May dalawang pangunahing bintang ng pagkakasalungatan sa pagitan ng Genesis 1 at Genesis 2. Una ay may kinalaman sa puno ng buhay. Itinala sa Genesis 1:11 ang paglikha ng mga halaman sa ikatlong araw, Sinasabi ng Genesis 2:5 na bago ang paglikha sa tao "walang pang puno o halaman ang lumalabas sa parang dahil hindi pa nagpapadala ang Diyos ng ulan at wala pang tao ang nagbubungkal sa lupa."Kaya ano ang totoo? Nilikha ba ng Diyos ang mga halaman sa ikatlong araw bago Niya ginawa ang tao (Genesis 2)? Ang salitang Hebreo para sa "halaman" ay magkaiba sa dalawang kabanata. Ginamit sa Genesis 1:11 ang isang terminolohiya na tumutukoy sa halaman sa pangkalahatan. Ginamit naman sa Genesis 2:5 ang mas partikular na terminolohiya na tumutukoy sa mga halaman na nangangailangan ng pangangalaga ng tao. Ang dalawang sitas ay hindi nagsasalungatan. Sinasabi sa Genesis 1:11 ang paglikha ng Diyos sa mga halaman, at sinasabi naman sa Genesis 2:5 ang hindi paggawa ng Diyos ng mga bukid na maaaring linangin hanggang sa pagkatapos Niyang likhain ang tao.

Ang ikalawang kontradiksyon diumano ay may kinalaman sa mga hayop. Itinala sa Genesis 1:24-25 ang paglikha ng Diyos sa mga hayop sa ika anim na araw, bago Niya likhain ang tao. Ang Genesis 1:24-25, sa ibang salin ay tila itinatala ang paglikha ng Diyos sa mga hayop pagkatapos Niyang likhain ang tao. Gayunman sa kapani-paniwalang salin ng Genesis 2:19-20 ay mababasa ang ganito, "At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon." Hindi sinasabi ng teksto na nilikha muna ng Diyos ang tao, pagkatapos ay nilikha Niya ang mga hayop saka dinala ang mga ito kay Adan, upang mapangalanan sila. Kundi ang sinasabi ng teksto ay, "At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid." Wala ditong pagkakasalungatan. Sa ika anim na araw, nilikha ng Diyos ang mga hayop, pagkatapos ay nilikha Niya ang tao at sa huli, dinala ang mga hayop sa tao upang kanyang pangalanan.

Sa pamamagitan ng pagaaral sa dalawang kwento ng paglikha at pagkakasundo sa kanila, makikita natin na inilalarawan ng Diyos ang pagkakasunod sunod ng paglikha sa Genesis 1, pagkatapos ay binigyan Niya ng linaw ang mahahalagang detaiye, lalo"t higit ay ang nangyari sa ika anim na araw sa Genesis 2. Walang pagkakasalungatan sa dalawa kundi gumamit lamang ang manunulat ng isang paraan ng pagsulat kung saan inilalarawan ang isang pangkalahatang katotohanan bago ang mas partikular na katotohanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit may dalawang magkaibang kwento ng paglikha sa Genesis 1 at 2?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries