settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga demonyo?

Sagot


Ang Pahayag 12: 9 ang isang talata sa kasulatan na nagpapahayag tungkol sa pagkakakilanlan sa mga demonyo. Sinabi sa talatang ito, "Itinapon ang dambuhalang dragon---ang matandang ahas na ang pangala'y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon." Ipinahihiwatig ng Bibliya na ang mga demonyo ay ang mga anghel na inihulog mula sa langit - ang mga anghel na nagrebelde sa Diyos sa pangunguna ni satanas. Ang pagkahulog ni satanas mula sa langit ay inilarawan sa aklat ng Isaias 14:12-15 at Ezekiel 28:12-15. Ipinahihiwatig din ng Pahayag 12:4 na naakit ni satanas ang halos ikatlong bahagi (1/3) ng bilang ng mga anghel noong siya ay nagkasala. Binanggit rin sa aklat ng Judas talata 6 ang mga anghel na nagkasala. Kaya't masasabi mula sa Kasulatan na ang mga demonyo ay mga dating anghel ng Diyos na sumama kay satanas ng lumaban ito sa Diyos.

Layunin ngayon ni Satanas at ng kanyang mga demonyo na sirain at linlangin ang lahat ng mga sumusunod at sumasamba sa Diyos (1 Pedro 5:8; 2 Corinto 11:14-15). Inilarawan ang mga demonyo na mga ‘masasamang espiritu’ (Mateo 10:1), ‘maruming mga espiritu’ (Marcos 1:27), at ‘mga anghel ni satanas’ (Pahayag 12:9). Dinadaya ni satanas at ng kanyang mga demonyo ang mundo (2 Corinto 4:4), inaatake ang mga Kristiyano (2 Corinto 12:7; 1 Pedro 5:8), at nilalabanan ang mga banal na anghel (Pahayag 12:4-9). Ang mga demonyo ay espiritu at hindi nakikita, subalit maaari silang magpakita sa pisikal na kaanyuan (2 Corinto 11:14-15) magkaminsan. Ang mga demonyo ay kalaban ng Diyos - subalit sila ay mga talunan na. "Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan" (1 Juan 4:4).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga demonyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries