settings icon
share icon
Tanong

Ako ay diborsyado. Maari ba akong muling magpakasal ayon sa Biblia?

Sagot


Kami ay kadalasang nakakatanggap ng mga tanong na ganito, "Ako ay diborsyado dahil sa ganito at ganyang kadahilanan. Maari ba akong mag-asawang muli?" "Dalawang beses na akong diborsyado - ang una ay dahil sa pangangalunya ng aking asawa, ang pangalawa ay dahil hindi kami magkaayon. Ako ngayon ay nakikipagtagpo sa isang lalaki na tatlong beses ng diborsyado - ang una ay dahil sa hindi sila magkaayon, ang pangalawa ay nangalunya siya, ang pangatlo ay nangalunya ang kanyang maybahay. Maari ba kaming magpakasal?" Ang mga katanungang tulad nito ay mahirap sagutin dahil ang Biblia ay hindi madetalye patungkol sa iba't ibang klaseng senaryo patungkol sa pag-aasawang muli pagkatapos ng diborsiyo.

Ang makakasiguro tayo ay plano ng Dios para sa mag-asawa ang manatiling kasal hanggang buhay ang mag-asawa (Genesis 2:24; Mateo 19:6). Ang kaisa-isang tiyak na basehan upang maaring magpakasal pagkatapos ng diborsyo ay kung may pangangalunya (Mateo 19:9) kahit ito ay pinagtatalunan ng mga kristiano. Ang isa pang posibilidad ay ang desersyon - ito ay kung ang isang di-mananampalatayang asawa ay iwanan ang isang mananampalatayang asawa (1 Corinto 7:12-15). Subalit ang mga talatang ito ay hindi tiyakang tinukoy ang pag-aasawang muli, ngunit ang takdang manatili sa pagiging kasal. Tila rin ang pisikal, sekswal, o marahas na pagmamalabis sa damdami ay sapat na dahilan para sa diborsyo at maaring sa pag-aasawang muli. Datapwa't hindi ito tiyakang itinuturo sa Biblia.

May dalawang bagay na tayo ay makakasiguro. Una, nasusuklam ang Dios sa diborsyo (Malakias 2:16), pangalawa, ang Dios ay maawain at mapagpatawad. Ang bawat diborsyo ay resulta ng kasalasanan, maaring dahil sa kabiyak o sa parehong mag-asawa. Pinapatawad ba ng Dios ang diborsyo? Lubos na lubos! Ang diborsyo ay napapatawad tulad din ng ibang kasalanan. Ang kapatawarann ng kasalanan ay maaring makamit sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. (Mateo 26:28). Kung pinapatawad ng Dios ang kasalanan ng diborsyo, ibig bang sabihin ay malaya ka nang magpakasal na muli? Hindi kinakailangan! May mga pagkakataong ang Dios ay tumatawag ng mga tao upang manatiling walang asawa (1 Corinto 7: 7-8). Ang pag-iisa ay hindi dapat ipalagay bilang isang sumpa o kaparusahan, subalit isang pagkakataon upang makapaglingkod sa Dios ng buong puso. (1 Corinto 7: 32-36). Subalit sinasabi ng Salita ng Dios sa atin na, mas mabuti ang mag-asawa kaysa mangagningas ang pita (1 Corinto 7:9) Marahil ito ang katwiran sa pag-aasawang muli pagkatapos ng diborsiyo.

Kung gayon, maari ba o dapat bang mag-asawang muli? Hindi namin masasagot ang katanungang iyan. Sa huli, ikaw, ang iyong maaring maging asawa, at ang pinaka-mahalaga, ang Dios, ang makasasagot niyan. Ang maipapayo lamang namin sa iyo ay manalangin ng katalinuhan mula sa Dios upang malaman mo ang nais Niyang gawin mo (Santiago 1:5) Manalangin na may bukas na kaisipan at mataos na hilingin sa Panginoon na ilagay Niya ang Kanyang naisin sa iyong puso (Awit 37:4). Hanapin ang kalooban ng Panginoon (Kawikaan 3: 5-6) at sundin ang Kanyang pangunguna.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ako ay diborsyado. Maari ba akong muling magpakasal ayon sa Biblia?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries