settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa muling pagpapakasal kung ang diborsyo ay nangyari bago ang kaligtasan?

Sagot

Ito ay isang napakahirap, nakakapukaw, at nakakahangang katanungan. Ang ilan ay magsasabi na dahil ang mga mananampalataya kay Kristo ay "mga bagong nilalang" na "at ginawang mga bago" (2 Corinto 5:17), ang kasalanan at mga resulta ng diborsyo ay napawi na, at pinapayagan ang isang diborsyado bago maging mananampalataya na magpakasal muli. Sinasabi naman ng iba na habang ang kasalanan ng diborsyo ay tinubos na ni Kristo, hindi kasamang tinubos ang mga resulta ng kasalanan kaya’t ang isang diborsyado bago maging mananampalataya ay hindi na maaaring magpakasal muli.

Ang sagot sa katanungang ito ay lalo pang naging mahirap dahil may iba't ibang pananaw kung maaaring mag-asawa muli ang mga Kristiyano. Mangyaring basahin ang sumusunod na mga artikulo sa aming website:

“Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa diborsyo at pag-aasawang muli?"

"Ako'y hiwalay na sa asawa. Maaari ba akong mag-asawa muli ayon sa Bibliya?"

"Ang pag-aasawang muli ba matapos ang diborsyo ay palaging pangangalunya?"

"Ang pang-aabuso ba ay isang katanggap-tanggap na dahilan para sa diborsyo?"

“Ano ang mga biblikal na dahilan para sa diborsyo?"

Kapag tinatalakay sa Bibliya ang tungkol sa kasal, hindi lamang ito para sa mga Kristiyano o mananampalataya na ikinakasal. Ang mga prinsipyo ng Bibliya tungkol sa kasal ay pangkalahatan. Kung ang isang hindi sumasampalatayang lalake at babae ay ikinasal, sila ay mag-asawa pa rin sa mata ng Diyos tulad ng isang Kristiyanong lalake at babae na ikinasal. Sila’y iisang laman pa rin (Genesis 2:24).

Patuloy na kinamumuhian ng Diyos ang diborsyo (Malakias 2:16). Siya pa rin ang nag-ugnay sa kanila, at hindi Niya nais na sila ay maghiwalay (Mateo 19). Bagama’t ang lahat ng ating kasalanan--noon, ngayon at sa hinaharap-ay natubos na ng tayo'y maligtas, ang kaligtasan ay hindi nag-aalis ng lahat ng konsekwensya ng mga kasalanan na ating ginawa bago tayo sumampalataya kay Cristo o ng mga kasalanan na patuloy nating ginagawa. Binayaran na ni Jesus ang parusa para sa ating mga kasalanan, ngunit mayroon pa ring tunay at mga negatibong bunga ang kasalanan. Kaya’t ang ating paniniwala ay kahit kailan, kung ang diborsyo ay hindi ayon sa mga prinsipyo ng Bibliya, walang basehan para sa pag-aasawang muli, maging bago o pagkatapos ng kaligtasan.

Gayunman, tulad ng ipinapakita ng mga pahayag na nabanggit sa itaas, naniniwala kami sa na may natatanging eksepsyon. Kung ang diborsyo ay nangyari dahil sa hindi pagsisisi at patuloy na pakikiapid, naniniwala kami na ang inosenteng partido ay maaaring muling magpakasal. Ito ay totoo kung ang inosenteng partido ay isang mananampalataya o hindi mananampalataya noong mangyari ang diborsyo. Kaya, ang sagot sa tanong na ito ay depende sa mga pangyayari. Ang aming paniwala ay hindi pangunahing batayan ang diborsyo bago o pagkatapos mangyari ang kaligtasan. Mahalagang maunawaan na ang kaligtasan ay hindi nagpapalaya sa atin sa lahat ng masamang bunga ng ating kamangmangan at makasalanang desisyon na ating ginawa bago tayo sumampalataya Kay Kristo.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries