Tanong
Ano ba ang dispensationalism, at ito ba ay naaayon sa Bibliya?
Sagot
Ang ‘dispensationalism’ ay isang sistema ng Teolohiya na may dalawang pangunahing katangian. (1) Walang magkakaibang interpretasyon sa Kasulatan, lalong lalo na sa mga propesiya o hula sa Bibliya. (2) Ang pagkakaiba ng plano ng Diyos sa pagitan ng Israel at ng Iglesya.
(1) Inaangkin ng mga Dispensationalists na ang kanilang prinsipyo ng hermeneutics o interpretasyon ng Bibliya ay nakabase sa literal na interpretasyon. Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan na ang bawat salita ay binibigyan nila ng kahulugan na nakabase sa kung paaano ito ginagamit sa araw-araw na pakikipagusap. Ang mga simbolo at ang iba pang anyo ng mga salita ay isinasalin sa ganitong pamamaraan at ito'y hindi sumasalungat sa literal na interpretasyon. Kahit ang mga simbolo at ang mga malikhaing pananalita (figurative languages) ay may literal na kahulugan sa likod ng mga salitang ginagamit.
May tatlong dahilan kung bakit ito ang pinakamagandang paraan sa pagunawa sa Kasulatan. Una, hinihingi sa atin na ang layunin mismo ng salita ang literal na interpretasyon nito. Ang salita ay ibinigay ng Diyos upang magkaroon ng ugnayan sa tao. Ang pangalawang dahilan ay Biblikal. Lahat ng mga propesiya tungkol kay Hesu Kristo sa Lumang Tipan ay literal na natupad. Ang pagsilang ni Hesus, ang ministeryo ni Hesus, ang kamatayan ni Hesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay eksakto o literal na nangyari ayon sa inihula sa Lumang Tipan. Walang hindi literal na natupad sa mga propesiyang ito sa Bagong Tipan. Ito'y malakas na pangangatwiran para sa isang literal na pamamaraan ng interpretasyon. Kung ang literal na interpretasyon ay hindi gagamitin sa pagaaral ng Bibliya, walang pamantayan para maunawaan ang Bibliya. Ang bawat isa ay maaaring magpaliwanag ng Bibliya ayon sa kanyang pansariling kagustuhan. Ang Biblikal na interpretasyon ay maaaring mauwi sa "ano ang kahulugan ng talatang ito para sa akin" sa halip na "ano ang sinasabi ng Bibliya." Nakalulungkot na ganito na ang kalagayan ng mga tinatawag na Biblikal na interpretasyon sa ngayon.
(2) Ang Teolohiyang Dispensational ay naniniwala na may dalawang magkaibang grupo ng tao ang Diyos: Ang Israel at ang Iglesya. Naniniwala ang mga Dispensationalists na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (Sa Diyos ng Lumang Tipan; at sa Diyos Anak sa Bagong Tipan). Pinanghahawakan ng mga Dispensationalists na hindi pinalitan ng Iglesya ang Israel sa plano ng Diyos at ang mga pangako ng Diyos na ibinigay sa Israel ay hindi inilipat sa Iglesya. Naniniwala sila na ang mga pangako na ibinigay ng Diyos sa Israel (tulad ng lupa, mga lipi, at pagpapala) sa Lumang Tipan ay matutupad sa mga huling araw sa panahon ng isanlibong taon ng paghahari ni Kristo na binanggit sa Pahayag 20. Naniniwala sila na nakatuon ang atensyon ng Diyos sa Iglesya sa panahong ito at muli Niyang itutuon ang Kanyang atensyon sa Israel sa mga huling araw (Roma 9-11).
Sa paggamit ng sistemang ng pangunawa sa Bibliya, nakita ng mga Dispensationalists na inorganisa ang Bibliya sa pitong dispensasyon: una, ang panahon ng kawalang kaalaman ng tao tungkol sa mabuti at masama (Genesis 1:1 - 3:7), panahon ng konsensya (Genesis 3:8 - 8:22), panahon ng pamamahala ng mga taong pinuno (Genesis 9:1 - 11:32), panahon ng pangako (Genesis 12:1 - Exodo 19:25), panahon ng mga batas (Exodo 20:1 - Gawa 2:4), panahon ng biyaya (Gawa 2:4 - Pahayag 20:3), at ang panahon ng isanlibong taon ng paghahari ni Kristo sa lupa (Pahayag 20:4 - 20:6). Muli, ang mga naturang dispensations ay hindi paraan ng kaligtasan, sa halip ito'y paraan ng pakikipag-unayan ng Diyos sa tao. Ang dispensationalism bilang sistema ng eskatolohiya ay kadalasang nagreresulta sa premillennial na interpretasyon sa ikalawang pagparito ni Kristo, at pretribulational na interpretasyon sa rapture o pagdagit sa mga mananampalataya bago ang pitong taon ng kapighatian.
English
Ano ba ang dispensationalism, at ito ba ay naaayon sa Bibliya?