settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dogmatikong teolohiya?

Sagot


Nagmula ang terminong dogmatic theology o dogmatikong teolohiya mula sa salitang Griyegong “dogma” na kung tumutukoy sa teolohiya ay simpleng nangangahulugan na “doktrina o kapahayagan ng doktrina na pormal na ginawa at itinuturing na may awtoridad.” Sa isang simpleng pakahulugan, ang dogmatic theology o dogmatikong teolohiya ay tumutukoy sa opisyal o dogmatikong teolohiya na kinikilala ng isang organisadong iglesya o denominasyon gaya ng Simbahang Romano Katoliko, Dutch Reformed Church, at iba pa..

Habang ang terminong dogmatic theology ay inaakalang unang ginamit sa titulo ng isang aklat ni L. Reinhardt noong 1659, ginamit ng malawakan ang terminolohiyang ito pagkatapos ng repormasyon upang tukuyin ang mga artikulo ng pananampalataya na opisyal na ginawa ng iglesya. Ang isang magandang halimbawa ng dogmatikong teolohiya ay ang mga kapahayagan ng doktrina na ginawa ng mga unang konseho ng iglesya na sinikap na solusyonan ang mga problema sa teolohiya at nanindigan laban sa mga hidwang pananampalataya. Ang mga kredo o dogma na lumabas mula sa mga konseho ng iglesya ay itnuturing na may awtoridad at may bisa sa lahat na mananampalataya dahil opisyal na pinagtibay ang mga iyon ng mga lider ng iglesya. Ang isa sa mga layunin ng dogmatikong teolohiya ay tulungan ang iglesya na bumuo ng mga doktrina at ituro ang mga doktrina na itinuturing na mahalaga sa Kristiyanismo na kung tatanggihan ay maaaring maging dahilan ng maling paniniwala o katuruan.

Minsan ay nalilito ang ilan sa kahulugan ng dogmatikong teolohiya (dogmatic theology) at sistematikong teolohiya (systematic theology) at may pagkakataon pang ginagamit ang dalawang terminolohiya upang tukuyin ang parehong pananaw sa teolohiya. Gayunman, may mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Upang maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng systematic theology at dogmatic theology, dapat mapansin na binibigyang diin ng salitang “dogma,” hindi lamang ang mga katuruan na maliwanag na itinuturo ng Bibliya, kundi maging ang mga kapahayagan ng pananampalataya na pinagtibay ng mga lider ng iglesya. Hindi kinakailangan ng sistematikong teolohiya ang pagendorso sa anumang iglesya o denominasyon, habang ang dogmatikong teolohiya ay direktang nakaugnay sa isang partikular na iglesya o denominasyon. Normal na tinatalakay ng dogmatikong teolohiya ang mga parehong doktrina na laging ginagamit ang parehong balangkas at istruktura na gaya sa sistematikong teolohiya, ngunit ginagawa ito mula sa anggulo ng isang partikular na kapahayagan ng pananampalatayang pinanghahawakan ng isang partikular na denominasyon o iglesya. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dogmatikong teolohiya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries