Tanong
Kung nagdududa ka sa iyong kaligtasan, nangangahulugan ba iyon na hindi ka tunay na naligtas?
Sagot
Ang bawat isa sa atin ay nagdududa paminsan minsan. Kung nagdududa ka man o hindi sa iyong kaligtasan, hindi ito nangangahulugan na ikaw nga ay isang tunay o hindi tunay na Kristiyano. Kahit na hindi nagtatapat ang isang Kristiyano sa Diyos, tapat pa rin sa kanya ang Diyos (2 Timoteo 2:13). Nais ng Diyos na makatiyak tayo sa ating kaligtasan (Roma 8:38-39; 1 Juan 5:13). Ipinangako ng Diyos na ang bawat nananampalataya kay Hesu Kristo ay maliligtas (Juan 3:16; Roma10:9-10). Lahat tayo ay nagkasala at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Dahil dito, nararapat tayo sa kamatayan at walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos (Roma 6:23). Ngunit inibig tayo ng Diyos na sukat na namatay Siya para sa ating lugar (Roma 5:8). Bilang resulta, ang lahat ng nananampalataya ay ligtas na at hindi na kailanman mawawala pa ang kaligtasan.
Minsan, ang pagdududa ay isang mabuting bagay. Sinasabi sa atin ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 13:5, "Siyasatin inyo ang inyong sarili kung kayo ay tunay na nasa pananampalataya." Kailangan nating siyasatin ang ating mga sarili kung si Hesus nga ba ang tunay nating Tagapagligtas at kung nasa atin ang Banal na Espiritu. Kung tunay na Siya nga, hindi kailanman mawawala ang ating kaligtasan na ginawa ni Kristo para sa atin (Roma 8:38-39). Kung hindi pa Siya ang ating Tagapagligtas, maaaring inuusig tayo ng Banal na Espiritu sa ating mga kasalanan at inuudyukan tayong magsisi at makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Ang katiyakan ng kaligtasan ay nagmumula sa ating kaalaman na kung tayo ay tunay na kay Kristo, tayo ay may buhay na walang hanggan. Ang tunay na pananampalatayang nagliligtas ay makikita sa mga gawa (Santiago 2:14-26) at sa bunga ng Espiritu Santo sa ating mga buhay (Galacia 5:22). Ang kawalan ng ebidensya ay nagiging dahilan minsan ng ating kawalan ng katiyakan sa ating kaligtasan.
Inilagak mo na ba ang iyong pananampalataya kay Kristo? Kung ang sagot ay oo, alisin mo ang iyong pagdududa at magtiwala ka sa Diyos. Kung alam mo na si Hesus ang iyong Tagapgligtas, walang dudang ikaw ay ligtas na! Kung ang sagot ay hindi, manalig ka sa Panginoong Hesu Kristo at ikaw ay maliligtas! Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa kaligtasan, huwag kang magaatubiling magtanong sa amin. Maaari mong bisitahin ang aming pahina na may pamagat na "Mayroon ka na bang buhay na walang hanggan?
English
Kung nagdududa ka sa iyong kaligtasan, nangangahulugan ba iyon na hindi ka tunay na naligtas?