Tanong
Ano ang Ebanghelyo ni Felipe?
Sagot
Kapareho ng Ebanghelyo ni Tomas, ang Ebanghelyo ni Felipe ay isang koleksyon ng mga pananalita na diumano ay nanggaling kay Jesus. Nakatuon ang Ebanghelyo ni Felipe sa malaking bahagi ng “sakramento ng kasal” bilang isang “sagradong misteryo.” Hindi inaangkin ng Ebanghelyo ni Felipe na ito ay isinulat ng alagad ni Jesus na si Felipe. Pinamagatan itong “Ang Ebanghelyo ayon kay Felipe” dahil si Felipe ang tanging alagad ni Jesus na may kapangalan (73:8).
Ang pinakakumpletong manuskrito ng Ebanghelyo ni Felipe ay natuklasan sa aklatan ng Nag Hammadi sa Egipto noong 1945. Ito ay isinulat sa salitang coptic noong tinatayang humigit kumulang sa ika-4 na siglo AD. Ang Ebanghelyo ni Felipe ay isang gnostikong ebanghelyo na nagpiprisinta ng isang gnostikong pananaw tungkol kay Jesus at sa Kanyang mga katuruan. Habang may kakaunting talata sa Ebanghelyo ni Felipe na hawig sa apat na biblikal na Ebanghelyo, ang isang pagbabasa sa Ebanghelyo ni Felipe ay nagpapakita ng maraming pagkakaiba at ganap na kakaibang mensahe tungkol sa kung sino si Jesus at sa dahilan ng Kanyang pagdating sa mundo.
Ang isa sa pinaka-nakakuha ng interes sa Ebanghelyo ni Felipe ay ang sinasabi nito tungkol sa relasyon ni Jesus kay Maria Magdalena. Sa kanyang sikat na aklat na The Da Vinci Code, ginagamit ng manunulat na si Dan Brown ang Ebanghelyo ni Felipe bilang ebidensya ng sekswal na relasyon ni Jesus kay Maria Magdalena bilang magasawa. Gayunman, walang sinasabi saan man sa Ebanghelyo ni Felipe na si Jesus ay asawa ni Maria Mgdalena. Ni hindi nito binabanggit na may romantikong relasyon na namamagitan kay Jesus at Maria Magdalena. Ang isang seksyon na tumatalakay sa isyung ito ay sobrang nasira, habang ang ilang bahagi ay hindi na mabasa. Ito ang sinasabi ng Ebanghelyo ni Felipe “...” na kumakatawan sa mga nawawalang bahagi: “at ang kasama ni ….Maria Magdalena .…mahigit sa .…mga alagad ….hinalikan siya ….sa kanyang ….ang iba sa mga alagad ….sinabi nila kanya ….bakit mo siya iniibig ng higit sa aming lahat?" Kahit na ipagpalagay natin na hinahalikan ni Jesus si Maria Magdalena, hindi ipinapahiwatig sa teksto ang higit pa sa isang relasyon bilang magkaibigan. Ang isang lalaking walang asawa na humahalik sa pisngi ng isang babaeng walang asawa, habang bihira sa kulturang iyon, ay hindi nagpapahiwatig sa anumang paraan ng isang romantikong relasyon.
Anu’t anuman, kahit pa sinabi ng Ebanghelyo ni Felipe na asawa ni Jesus si Maria Magdalena, hindi magiging totoo ang ideyang ito. Ang Ebanghelyo ni Felipe ay hindi isinulat ng apostol na si Felipe o ng sinuman na personal na nakakita at nakakilala kay Jesus. Ang orihinal na panahon ng pagkasulat ng Ebanghelyo ni Felipe ay noong ika-3 siglo sa pinakamaaga, halos 200 taon pagkatapos na mamatay si Jesus. Ang tanging halaga sa pagaaral ng Ebanghelyo ni Felipe ay ang kaalaman na noon pa mang unang siglo ng iglesya ay mayroon ng mga maling katuruan.
English
Ano ang Ebanghelyo ni Felipe?