Tanong
Mayroon bang ebidensya para sa pananaw na isang batang mundo?
Sagot
May napakaraming ebidensya para sa pananaw ng Bibliya na bata pa ang mundo. Gayunman, ang mga nagtuturo ng papanaw na matandang mundo ay may monopolyo sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan, sa mga pangunahing sentro ng akademya at sa mga popular na media para sa bagong henerasyon. Hindi kataka taka ngayon kung bakit karamihan ng mga siyentipiko ay naniniwala sa pananaw ng matandang mundo. Ito ang kanilang natutuhan habang lumalaki sa mga paraalan. Ito ang kanilang natutuhan sa mga unibersidad kung saan silan nagtapos ng kanilang mga degree. Ito din ang pinaniniwalaan ng kanilang mga kasamahan. Ngunit may mga tumututol sa mga komunidad ng mga siyentipiko at dumarami ang kanilang bilang. Bakit? Dahil parami ng paraming mga siyentipiko ang nakakatuklas ng mga dumaraming ebidensya na humahamon sa pananaw na matandang mundo.
Hindi namin sinasabi na ang sinumang magsisiyasat ng mga ebidensyang aming isisiwalat ay tatanggihan ang pananaw na batang mundo. May mga nagiisp na ang mga ebidensyang ito ay maanomalya at mga hindi pangkaraniwang argumento na hindi pa napapatunayan. May mga naniniwala na hindi makakapasa ang mga argumentong ito sa malalimang pagsisiyasat. May mga itinuturing ang mga argumentong ito na tahasang pagsisinungaling gamit ang mga katotohanan ng mga panatiko sa relihiyon.
Walang duda na may inklinasyon ang mga panatiko sa relihiyon na pilipitin ang katotohanan upang sumuporta sa kanilang layunin. May ganito ring inklinasyon ang mga panatiko sa paniniwala sa isang matandang mundo kung nalalagay sa alanganin ang kanilang karera at reputasyon. Ito ang kalikasan ng tao. Totoo na ang ilan sa mga ebidensya para sa batang mundo na iminungkahi sa loob ng maraming taon ay hindi nakapasa sa malalim na pagsisiyasat. Ngunit marami sa ebidensya ang nakatayong matatag hanggang ngayon at nananatili ang katotohanan na dumaraming bilang ng mga propesyonal na sinanay na mga siyentipiko – mga eksperto sa kanilang larangan – ang tumatanggap sa pananaw na batang mundo na mas mapapatunayan ng siyensya kung hindi man mas nakakakumbinsi. Narito ang ilan sa mga napapanahong ebidensya para sa ating kunsiderasyon:
Ang pagguho ng mga kontinente at ang mga rekord sa fossils. Ang mga kontinente ay gumuguho sa isang antas, na kung hindi dahil sa tectonic uplift, alikabok ng mga meteor at pagbubuga ng lava ng mga bulkan, sila ay mapapatag (maging ang Mt. Everest at lahat ng bundok sa mundo) sa loob ng kulang kulang dalawampu’t limang (25) milyong taon. Sa antas na ito, ang mga fossils na milyong taon na ang edad ay dapat na napatag na. Ngunit nananatili pa rin sila sa kanilang mga lugar. Ang implikasyon ay hindi pa talaga milyun milyong taon ang edad ng mga fossils na ito. Kung totoo ito, ang buong geologic column ay nangangailangan ng seryosong pagtatama (tingnan ang aming artikulo na may titulong Geologic Column).
Presyon ng likido sa ilalim ng lupa. Kung ang isang panghukay ay makatumbok ng langis, kadalasang ang langis ay sumisirit pataas na tulad sa isang malaking fountain. Ito ay dahil sa ang langis ay laging nasa ilalim ng malakas na pwersa mula sa bigat ng mga bato na nasa ibabaw nito. Ang iba pang mga likido sa ilalim ng lupa ay nasa ilalim din ng pwersa ng mga bato sa itaas kabilang ang natural gas at tubig. Ang problema, ang mga bato sa itaas kung saan nakadeposito ang langis sa ilalim ng lupa ay maaaring tagasan. Ang presyon ay dapat na nakatakas na sa ilalim ng lupa sa loob ng kulang kulang isandaang (100,000) libong taon. Ngunit nananatiling mataas ang presyon sa ilalim ng lupa kaya’t sumisirit pa rin pataas ang mga likido tuwing makakahanap ng malalabasan. Muli, dahil sa ipinagpapalagay na edad ng mga despositong ito at sa kanilang lokasyon sa buong geologic column, ang obserbasyong ito ay naghahanap ng kasagutan sa mga interpretasyon na naging daan para sa pormulasyon ng Geologic Column.
Paglamig ng Mundo. Sa ikalabing siyam (19th) na siglo, ang kilalang physicist at imbentor na si Lord Kelvin (William Thomson) ang unang nagsabi na kung ang mundo ay nagsimula sa isang estado na puti at mainit, ito ay mas malamig na dapat kaysa sa kasalukuyang temperatura bilyun bilyong taon na ang nakalilipas sa halip na ang 4.6 billion taon na tinatanggap sa ngayon. Mula noon, idinadahilan ng mga nagsusulong ng matandang mundo na ang pagkabulok ng mga radioactive na materyales sa ilalim ng mundo ang lubhang nagpabagal sa proseso ng paglamig nito. Tinutugon ang pangangatwirang ito ng mga nagsusulong ng batang mundo na kahit na totoo ang liberal na pagpapalagay tungkol sa dami ng init na nililikha ng mga nabubulok na materyales sa ilalim ng mundo, lalamig pa rin ang mundo ng mas malamig kaysa sa kasalukuyan nitong temperatura sa loob ng mas madaling panahon kaysa sa ipinagpapalagay ng mga nagsusulong ng matandang mundo.
Paglayo ng buwan sa mundo. Ang buwan ay unti unting gumagalaw ng papalayo mula sa mundo. Ito ay dahil sa katotohanang bumabagal ang pagikot ng mundo dahil sa pagkikiskisan ng mga alon at iba pang kadahilanan. Ang paglayo ng buwan sa mundo ay unang naobserbahan noong huling bahagi ng 1600’s (ni Edmund Halley na siya ring unang nagtaya sa pagikot ng popular na Halley’s comet sa mundo sa loob ng 76 taon). Sa antas ng paglayo ng buwan sa mundo ngayon, at ng katotohanan na bumilis ito ng bahagya sa pagdaan ng panahon, at sa iba pang kadahilanan, tinantya ng mga physicists na ang buwan ay mawawala na sa paningin ng mundo ng hindi hihigit sa 1.2 bilyong taon (maaari ninyong ireview ang kuwentada sa http://www.creationscience.com/). Ang mga nagsusulong ng pananaw na matandang mundo ay tinatantya ang edad ng mundo sa 3.4 bilyong taon at hindi matanggap ang katotohanang ito. Bilang karagdagan, mas malapit ang buwan sa mundo, mas malaki ang impluwensya nito sa paggalaw ng tubig sa karagatan ng mundo. Hindi tayo makababalik ng mas malapit sa nakalipas kundi, malulunod tayo ng dalawang beses sa isang araw.
Paglabas ng Helium mula sa Precambrian Zircons. Ang Helium ay nalilikha sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng pagkabulok ng mga radioactive materials ng ilang mga pabagu-bagong elemento gaya ng uranium at thorium. Ang ilan sa mga pagkabulok na ito ay nangyayari sa loob ng mga kristal na tinatawag na “zircons.” Lumalabas ang Helium mula sa mga zircons sa bilis na nakadepende sa lalim at temperatura kung saan nagaganap ang proseso. Natuklasan ng mga siyentipiko na sa zircons, kung saan naganap ang “bilyong taon” ng pagkabulok ng uranium, napakarami pa ring helium ang nananatili – at sobra pang dami nila. Makikitang hindi nagkaroon ng sapat na panahon ang helium upang lumabas mula sa mga kristal. Ang obserbasyong ito ay may dalawang implikasyon.
Una, babaliktarin ng obserbasyong ito ang isang susing pagpapalagay sa likod ng radiometric dating (ang pinakakaraniwang pamamaraan sa pagsukat ng edad ng mundo). Naniniwala ang mga siyentipiko na ang pagkabulok ng mga radioactive materials sa ilalim ng lupa ay nananatiling pareho ang bilis magmula noon hanggang sa kasalukuyan. Kaya ng mga siyentipiko na malaman ang bilis ng pagkabulok ng mga materyales sa laboratoryo, ngunit marami ang hindi naniniwala na ito ay aktwal na nangyayari sa kalikasan. Gayunman, kung ang bilyong taon ng pagkabulok ng uranium ay naganap ng napakabilis, na ang Helium na nalilikha ng prosesong ito ay hindi nagkaroon ng sapat na panahon upang makalabas sa zircons, ito ay isang malakas na ebidensya na ang bilis ng pagkabulok ng uranium ay lubhang naging mabilis sa nakaraang panahon kung kailan hindi pa kayang obserbahan ang mga kaganapang ito sa kalikasan.
Ikalawa, dahil ang mga zircons ay nanggaling sa mga Precambrian rocks sa ilalim ng geologic column, ang kasalukuyang tinatanggap na interpretasyon para sa matandang mundo ay kailangan ng isang drastikong pagbabago (muli, tingnan ang aming artikulo tungkol sa Geologic Column). Ang mga ito at ang napakarami pang mga ebidensya sa siyensya para sa teorya ng batang mundo ang nagbibigay ng kredibilidad sa salaysay ng Bibliya tungkol sa paglikha ng Diyos sa mundo at sa buong sansinukob na matatagpuan sa aklat ng Genesis.
English
Mayroon bang ebidensya para sa pananaw na isang batang mundo?