settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo?

Sagot


Ang mga modernong pananaw ng siyensya ay nagpapakita ng mga ebidensya para sa matalinong pagdidisenyo mula sa iba’t ibang disiplina, mula sa biology, astronomiya, pisika at kosmolohiya. Layunin ng artikulong ito na magbigay ng buod ng mga pangunahing argumentong ito.

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo? – mula sa Biology
Sa nagdaang mga taon, inilunsad ni William Dembski ang isang metodolohiya na nakilala bilang “explanatory filter,” isang pamamaraan kung saan ang isang disenyo ay makikilala mula sa mga likas na pangyayari sa mga nabubuhay na organismo. Ang filter o ‘salaang’ ito ay nasasangkapan ng isang serye ng tatlong magkakasunod na tanong na sinasagot ng ‘oo’ at ‘hindi’ na gumagabay sa proseso ng pagdedesisyon upang malaman kung ang isang partikular na pangyayari ay maipaparatang sa isang matalinong tagadisenyo. Base sa ‘salaang’ ito, kung ang isang pangyayari, sistema, bagay at produkto ay resulta ng karunungan, ito ay:

1. Moobserbahan
2. Kumplikado
3. Nagpapakita ng isang malaya at kapansin-pansing disenyo

Upang makatiyak na ang isang pangyayari ay produkto ng matalinong pagdidisenyo, ito ay hindi isang hindi pangkaraniwang pangyayari na nagugat sa batas ng kalikasan, o kaya naman ay resulta ng tsansa o tsamba lamang. Ayon kay Dembski, binibigyang diin ng ‘salaang’ ito ang paliwanag sa pinakamahalagang katangian ng isang sistemang idinisenyo ng may katalinuhan, na tinatawag na ‘specified complexity.’ Sa ibang salita, ang pagiging kumplikado lamang ng isang hindi pangkaraniwang pangyayari ay hindi sapat upang ipahiwatig ang gawain ng isang matalinong nagdisenyo; dapat din itong sumang-ayon sa isang nakahiwalay na modelo.

Isa sa kapani-paniwalang ebidensya para sa disenyo sa larangan ng biology ay ang pagkakatuklas sa mga impormasyon sa mga buhay na selula. Ayon sa natuklasan, ang mga impormasyon ng buhay ay kinapapalooban ng mga kumplikado at hindi paulit ulit na pagkakaayos na may kaugnayan sa kinakailangang komunikasyon na ginagawa ng bawat selula. Ipinaliliwanag nito sa isang banda ang obserbasyon ni Dawkins na, “Ang kodigo ng makina ng genes ay katulad mismo ng kompyuter.” Ano ang ating iisipin ngayon sa pagkakahalintulad sa pagitan ng software ng kompyuter - na hindi mapapasubaliang produkto ng karunungan – at ng mga impormasyon na makikita sa DNA at iba pang maliliit na molekula?

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo? – mula sa Pisika
Sa Physics o Pisika, ang konsepto ng pagkakaayos ng lahat ng bagay sa kalawakan ay pandagdag sa mga ebidensya sa matalinong pagdidisenyo. Ang konsepto ng pagkakaayos ng lahat ng bagay sa kalawakan ay ang natatanging katangian ng ating kalawakan kung saan ang mga nagaganap at batas ng kalikasan ay naobserbahang napakabalanse upang sumuporta sa kumplikadong pagiral ng lahat ng may buhay. Ang antas kung saan ang mga hindi nagbabagong batas ng Pisika ay dapat na tugma sa eksaktong pamantayan na itinatag ng ilang mga siyentipiko na nagdududa sa pagkakaroon ng Diyos ngunit nagpapalagay na tunay na may isang matalinong Persona na nagbigay ng partikular na layunin sa mga bagay sa kalawakan. Isinulat ng isang astro-physicist na Briton na nagngangalang Fred Hoyle, “Ang interpretasyon ng mga katotohanan gamit ang sentido komon ang nagpapakita na isang may napakataas na karunungan ang nakipaglaro sa physics, gayundin sa chemistry at biology at walang bulag na pwersa ang dapat na bigyan ng kredito para sa mga nagaganap sa kalikasan. Ang kalkulasyon ng mga numero kung kukuwentahin ang mga katotohanang ito para sa akin ay hindi kayang isipin na isang aksidente lamang at hindi maaaring kwestyunin.

Ang isang halimbawa ng pagkakaayos ng lahat ng bagay ay ang pagtaya kung paanong ang sangkalawakan ay lumalaki. Ang datos ay kailangang nakabalanse sa eksaktong bahagi ng 1 sa 1055. Kung ang kalawakan ay lalaki ng napakabilis, lalaki ang mga bituin, planeta at galaxies ng napakabilis. Kung ang kalawakan ay lalaki ng napakabagal, ang kalawakan ay biglang magigiba bago mabuo ang mga bituin, planeta at galaxies.

Bukod pa rito, ang pagtaya sa katumbas na halaga ng pwersang ‘electromagnetic gravity’ ay dapat na balanseng balanse sa antas ng 1 sa 1040. Kung ang numerong ito ay tumaas ng kahit kaunti, ang lahat ng bituin sa kalawakan ay magiging apatnapung porsiyentong mas malaki kaysa sa ating araw. Mangangahulugan ito na ang lahat ng bagay ay masusunog sa loob ng napakaiksing panahon at hindi makakasuporta sa kumplikadong buhay. Kung ang numerong ito naman ay bumaba ng kahit kaunti, ang lahat ng bituin ay magiging dalawampung porsiyentong mas maliit kaysa sa ating araw. Mangangahulugan ito na hindi nila kayang makalikha ng mga elemento na kinakailangan para sa pagsuporta ng buhay.

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo? – mula sa Kosmolohiya
Sa pamamagitan ng mga bagong tuklas sa larangan ng kosmolohiya, ang konsepto ng isang tiyak na pinagmulan ng sansinukob ay maipakikita ng walang pagududa. Isinasaad ng argumentong Kalam (Kalam Cosmological Argument) na:

1. Ang lahat ng mga bagay ay nagumpisang umiral at may nagpairal sa mga ito na hiwalay sa kanilang sarili.
2. Nagsimulang magumpisa ang sansinukob.
3. Samakatwid, ang sansinukob ay may isang Manlilikha na hiwalay sa kanyang sarili.

Makikita sa datos na Isang walang pinanggalingan ang unang nagpairal ng lahat ng nilalang na labas sa apat na dimensyon ng espasyo at panahon at ang pinagmulang ito ng lahat ng bagay ay nagtataglay ng walang hanggan, personal at matalinong katangian upang taglayin ang kakayahan na intensyonal na likhain ang espasyo, mga bagay – at ang mismong panahon – sa kung ano ang nalalalaman natin ngayon tungkol sa mga ito.

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo? – Konklusyon
Ang artikulong ito ay isa lamang maiksing pagbubuod ng ilan sa mga susing elemento sa argumento ng matalinong pagdidisenyo. Ang layunin nito ay upang ipakita ang hindi matatawarang suporta para sa matalinong pagdidisenyo mula sa disiplina ng biolohiya, pisika at kosmolohiya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pinakamagandang ebidensya/argumento para sa matalinong pagdidisenyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries