Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa agwat ng edad sa pakikipagrelasyon?
Sagot
Hindi masyadong nagbibigay ang Bibliya ng detalye at halimbawa tungkol sa agwat ng edad sa pagaasawa (o ng anumang sitwasyon patungkol sa paksang ito). Alam natin na si Abraham ay mas matanda ng 10 taon kaysa kay Sarah (Genesis 17:17), ngunit walang ibang magasawa sa Bibliya na ibinigay ang edad ng indibidwal. Laging ipinalalagay, gaya halimbawa, na si Jose ay di hamak na mas matanda kaysa kay Maria. Gayunman, walang malinaw na sinasabi ang Bibliya patungkol dito.
Mahalaga ang edad sa pagaasawa, ngunit higit na mahalaga ang isyu ng kaligtasan, espiritwal na kalaguan, pagkakasundo sa isa’t isa at iba pa. Habang tumatanda ang tao, hindi na masyadong isinasaalang-alang ang agwat ng edad. Maaaring may magtaka kung ang ang isang 40 taon ay magasawa ng 20 taon, pero walang magtataka kung ang isang 80 taong gulang ay magasawa ng 60 taong gulang. Ang tanging babala tungkol sa pagaasawa ay ang pagaasawa ng mas bata dahil sa makalamang layunin o pagaasawa ng mas matanda dahil sa pera o kayamanan. Ang pinakamagandang magagawa ay manalangin para sa karunungang galing sa Diyos sa mga bagay na may kinalaman sa pagdedesisyon sa edad ng isang napupusuan (Santiago 1:5).
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa agwat ng edad sa pakikipagrelasyon?