Tanong
Ano ba ang edad ng daigdig? Gaano na katanda ang daigdig?
Sagot
Kung ang basehan ay mga ebidensya ayon sa Biblia, si Adan ay nilikha sa ika-anim na araw mula ng magkaroon ng daigdig, matatantya natin ang tanda ng mundo ayon sa Biblia sa pamamagitan ng pagkuwenta sa mga pagkakasunod-sunod na mga detalye ng kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay kung ituturing na ang salaysay sa Genesis ay totoo at ang anim na araw ng pagkalikha ay literal na 24-oras, at walang puwang sa pagkakasunod-sunod ng tala sa Genesis.
Isinasalaysay sa aklat ng Genesis kapitulo 5 at 11 ang magkakasunod na lipi mula kay Adan at ng kanyang mga anak na naging mga ama ng mga magkakasunod na lipi hanggang kay Abraham. Kung susumahin kung saan si Abraham lumulugar ayon sa pagkakasunod-sunod ng kasaysayan at kung pagsasamahin ang mga panahon na ibinigay sa Genesis kapitulo 5 at 11, malinaw na itinuturo ng Bibliya na ang tanda ng daigdig ay humigit-kumulang sa 6,000 taon at maaaring labis o kulang ng mga ilang daang taon.
Paano naman ang tungkol sa bilyon-bilyong taon na karaniwang tinatanggap ng halos lahat ng dalubhasa sa siyensiya sa ngayon at itinuturo sa karamihan ng mga paaralan? Ang tanda ng mundo ayon sa kanilang pagsusuma una sa lahat ay nanggaling sa dalawang kapamaraanan, ang "radiometric dating" at ang "geologic time scale." Ang mga dalubhasa sa siyensiya ay ipinatatanggol ang pangangatwiran na nagsimula pa lamang ang daigdig ng 6000 taon ay ipinagpipilitan na ang "radiometric dating" at may depekto diumano ito dahil ito ay nakabatay sa hanay ng mga maling palagay, habang ang "geologic time scale" ay may depekto rin dahil ito ay gumagamit ng paikot-ikot lamang na pagpapaliwanag. Bukod dito pinapabulaanan ng teoryang ito ang kaisipan na matanda na ang daigdig tulad ng sikat na maling haka-haka na kailangan ng mahabang panahon para sa pagsasapin-sapin (stratification),"fossilization" at ang pagbuo ng dyamante, karbon (coal), langis, estalaktita, estalagmita, at iba pa, upang ito ay mangyari.
Sa isang banda, ang mga naniniwala na bata pa ang daigdig ay naglahad ng mga matibay na ebidensya na bata pa ang daigdig. Kakaunti pa sa ngayon ang mga dalubhasa sa siyensiya na nananangan sa paniniwalang bata pa ang daigdig subalit sila ay tiyak na dadami rin pagkaraan ng ilang panahon habang ang mga dalubhasa sa siyensiya ay muling sinusuri ang mga katibayan at mas masikap na sinisiyasat ang mga tinatanggap na pamantayan sa teorya na ang daigdig ay matanda na.
Imposibleng makuwenta ng eksakto ang tanda ng mundo . Maging ito ay 6000 taon o bilyon-bilyong taon, Ang unang paniniwala ay nakabase sa pananampalataya at ang ikalawa naman ay sa mga pala-palagay. Sa mga nananangan sa bilyong-bilyong taon, sila ay nagtitiwala na ang "radiometric dating" ay maasahan at walang nangyari sa kasaysayan na maaring sumira sa pagkabulok ng mga "radio-isotopes." Sa mga nananangan naman sa 6000 taon, sila ay nagtitiwala na ang Biblia ay totoo at ang "malinaw" na pagpapaliwanag sa tanda ng daigdig ay ang pandaigdigang baha, o ang pagkalikha ng Dios sa sandaigdigan na parang matanda na. Isang halimbawa, nilikha ng Dios si Adan at Eva bilang mga taong may sapat na gulang na. Kung ang isang doctor ay magsusuri sa tanda nina Adan at Eva sa araw ng kanilang pagkalikha, maipapalagay na sila ay mga 20 taong gulang na. Ngunit ang totoo, si Adan at si Eva ay wala pang isang araw. Ano man ang maging pangangatwiran, laging may mabuting dahilan na manampalataya sa Salita ng Dios kaysa sa mga pala-palagay ng mga hindi mananampalatayang mga siyentipiko na ang laging layunin ay pabulaanan ang Salita ng Diyos.
English
Ano ba ang edad ng daigdig? Gaano na katanda ang daigdig?