Tanong
Sinasabi ba ng Bibliya kung ano ang tamang edad ng pag-aasawa?
Sagot
Ang Bibliya ay hindi nagtatakda ng partikular na edad na kinakailangan para sa isang tao upang magpakasal; sa halip, ito'y nagpapahiwatig sa pangkalahatan tungkol sa pag-aasawa para sa mga taong "may sapat ng gulang" (Makikita sa Ruth 1:12-13). Ang wika at kultura ng Bibliya ay matibay na sumusuporta sa ideya na ang pagtuntong sa pagdadalaga o pagbibinata, sa pinakamababang antas, ay dapat matupad bago magasawa. Ito’y tugma sa isa sa mga layunin ng kasal noong unang panahon - ang magkaanak at magpalaki ng mga anak. Ang mga ebidensya sa Kasulatan ay nagpapahiwatig na ang mga wala pa sa hustong edad para sa pagbubuntis ay hindi dapat mag-asawa, bagama’t walang partikular na edad na ibinibigay ang Bibliya.
Kung titingnan makatwiran ang mga nakagawian ng sinaunang Judaismo para sa mga kultural na pagsasaalang-alang sa tamang edad ng pag-aasawa. Ayon sa tradisyon, ang mga lalake ay ay hindi maaaring mag-asawa, hanggang sa edad na 13. Ang mga babae naman ay hindi itinuturing na “babae” hanggang sa edad na 12. Ang mga edad na ito ay mas tumutugma sa pagsisimula ng pagdadalaga/pagbibinata. Bagama’t ang mga edad na ito ay maaaring mukhang masyadong bata para sa atin, hindi naman kakaiba ang mga edad na ito para sa pag-aasawa sa kasaysayan. Sa loob lamang ng nakaraang siglo o higit pa, ang karaniwang edad ng pag-aasawa ay umabot sa huling bahagi ng ledad na bente at unang bahagi ng edad na trenta.
Mahalaga ring tandaan na kapag nasa hustong pag-iisip na ang isang tao - ito’y madalas gamitin bilang pamantayan para payagan ang sekswalidad at pagaasawa. Sa mga modernong bansa sa Kanluran, ang mga tao ay karaniwang hindi inaasahan na tumayo sa sariling mga paa hanggang sa sila’y nasa dalawampung taon na, o kahit na mas matagal pa. Para sa karamihan sa kasaysayan ng sangkatauhan, gayunman, inaasahan ang mga tao na magkaisip ng mas mabilis. Ang edad ng pag-aasawa noon ay karaniwang mas bata, dahil inaasahan ang lahat na umunlad ng mas mabilis sa panlipunan at emosyonal kaysa ngayon.
Ang salitang Hebreo ay sumusuporta rin sa ideya na ang pagdadalaga o pagbibinata ay kinakailangan para sa isang legal na kasal. Sa Ezekiel 16, naglalaman ito ng isang talinghaga tungkol sa relasyon ng Diyos sa Israel. Sa talatang ito, ipinapahiwatig na inaalagaan ng Diyos ang Israel, na inilalarawan bilang isang ulilang batang babae at nasa iba't ibang yugto ng paglaki. Una, nakita ng Panginoon ang kanyang kapanganakan, at pagkatapos ay binantayan Niya ang paglaki nito: "Lumaki ka at naging ganap na dalaga. Malusog ang iyong dibdib. Mahaba ang iyong buhok ngunit ikaw ay hubo't hubad. Nang madaanan kitang muli, nakita kong ikaw ay handa nang umibig. Kaya ibinalabal ko sa iyo ang aking kasuutan upang matakpan ang iyong kahubaran" (mga talata 7-8). Sa paglalarawang ito, matapos makarating ang isang batang babae sa hustong edad, sa ilang sandali pagkatapos ng
pagdadalaga o pagbibinata, siya ay "matanda na para umibig," at handa na para mag-asawa.
Gumagamit ang wikang Hebreo, tulad ng ibang mga wika, ng iba't ibang salita para sa mas bata at mas matandang mga kasapi ng alinmang kasarian. Ang Na’ar ay tumutukoy sa mga batang lalaki, habang ang yeled ay tumutukoy sa mga batang 12 taong gulang pababa. Para sa mga babae, ang na'arah ay nangangahulugang "isang babaeng pwede ng mag-asawa," habang ang yaldah ay tumutukoy sa isang batang 11 taong gulang o mas bata - at masyadong bata pa para mag-asawa. Muli, ang mga salitang ito at kahulugan ng gma ito ay tila nagpapatibay sa ideya na ang pagsisimula ng pagdadalaga o pagbibinata ay kinakailangan para sa pagaasawa. Bago ang panahong iyon, ang isang batang lalake o batang babe ay wala pa sa tamang edad para magpakasal.
Mas kakaunti ang sinasabi ng Bagong Tipan tungkol sa edad ng pag-aasawa. Gayunman, may mga pahiwatig sa Bagong Tipang Griyego na katulad ng sa Hebreo. Halimbawa, ang 1 Corinto 7:36 gumagamit ng salitang hyperakmos patungkol sa isang babae. Sa kasong ito, ito ay isang dalagang nakatakda ng ikasal. Ang hyperakmos ay literal na nangangahulugang “tama ang edad,” isang karaniwang pigura ng pananalita sa maraming kultura para ilarawan ang kakayahan ng isang babae na magdalang-tao. Ang paggamit ni Pablo ng salitang ito ay tiyak na nagpapahiwatig na ang edad na maaaring magpakasal ay pagkatapos ng pagdadalaga, kapag ang isang babae ay nasa hustong edad na. Ngunit ang Banal na Kasulatan ay hindi nagtatakda ng tiyak na edad para sa pag-aasawa: ang pisikal na paglago ay kinakailangan, ngunit maaaring mag-iba kapag nasa hustong edad na ang isang babae. Ang 12-taong-gulang na batang babae sa Marcos 5:41–42 ay tinutukoy pa rin bilang isang “maliit na bata” at malinaw na hindi pa handa para sa pag-aasawa.
Tulad ng maraming ibang isyu, ang tamang edad para magpakasal ay usaping kultural na hindi partikular na tinututulan ng Bibliya. Ang tinuturing na tamang edad para sa pagpapakasal ay maaaring magbago mula sa isang kultura patungo sa iba at maaari pa ring umayon sa naaangkop na asal ayon sa Kasulatan. Ang pinakamahalaga ay hindi katanggap-tanggap ang pedophilia at mga pagkakasal ng bata. Dapat na nasa hustong edad na ang isang tao bago magpakasal; dapat lamang na nasa tamang edad na siya para sa sekswalidad at pag-aanak. Tangi sa mga bagay na ito, hindi tinutukoy ng Bibliya ang isang minimum na edad para sa pag-aasawa.
English
Sinasabi ba ng Bibliya kung ano ang tamang edad ng pag-aasawa?