Tanong
Ano ang magiging edad ng lahat na nasa langit?
Sagot
Hindi partikular na sinagot ng Bibliya ang tanong na ito. Ang mga bata bang namatay na bata ay mananatiling bata sa langit? Paano ang mga namatay na matanda--mananatili ba silang matanda pagdating nila sa langit? May ilang nagsasabi na ang mga bata ay bibigyan ng katawang makalangit (1 Corinto 15:35-49) at ang magiging katawan nila kung sila ay magiging katulad ng hitsura noong nagbinata o nagdalaga sila sa lupa kung paanong ang mga matatanda ay bibigyan rin ng katawang makalangit na kagaya noong kabataan nila sa lupa. Ito ay nagpapahiwatig na wala ng bata o matanda sa langit.
Ano ang ideyal na edad? Muli, ang konseptong ito ay hindi partikular na tinalakay sa Bibliya. May ilang naniniwala na maaaring ang edad ng mga tao sa langit ay humigit kumulang sa tatlumpo. May ilan namang nagsasabi na maaaring tatlumpu’t tatlo dahil ito ang edad ni Jesus noong Siya ay mamatay sa lupa. Idineklara sa 1 Juan 3:2, "Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya."
Isa ang tiyak. Anuman ang magiging edad ng tao sa langit, iyon ay perpektong maluwalhati. Ang ating buong pagkatao ay gagawing walang kapintasan, ganap at kumpletong kagaya ng kay Cristo. Mawawala sa atin ang lahat ng makasalanang katangian, magsusuot tayo ng puting kasuutan ng kabanalan, na ganap na perpekto. Kaya anuman ang ating magiging edad sa langit, ito ay edad ng perpeksyon.
English
Ano ang magiging edad ng lahat na nasa langit?