settings icon
share icon
Tanong

Kailangan bang mag-ehersisyo ang Kristiyano? Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa pangangalaga sa kalusugan?

Sagot


Gaya ng ibang aspeto ng ating buhay, may kalabisan din sa pag-eehersisyo. Maraming tao ang nakatuon ang lahat ng atensyon sa espiritwalidad na sukdulang napapabayaan naman ang pisikal na kalusugan. Ang iba naman ay binibigyan ng sobrang atensyon ang pangangalaga sa katawan ngunit napapabayaan naman ang espirtwal na paglago at mga bagay na pang espiritwal. Ang alinman sa dawalang ito ay hindi balanse. Sinasabi ng 1 Timoteo 4:8 "Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating." Pansinin na hindi sinabi sa talata na bale-walain natin ang pangangailangan ng ehersisyo kundi sinasabi na ang pag-eehersisyo ay mahalaga din naman kahit na hindi higit na mahalaga kaysa sa pagsasanay sa kabanalan."

Ginamit ni Apostol Pablo na ilustrasyon ang pagsasanay sa pisikal upang ilarawan ang espiritwal na katotohanan sa 1 Coprinto 9:24-27. Inihalintulad niya ang pamumuhay Krsitiyano sa isang karera at ang Kristiyano ay tulad sa mananakbo na hinahangad na "magkamit ng korona". Ngunit ang gantimpala na ating hinahangad ay hindi korona na kumukupas kailanman. Sinabi ni Pablo kay Timoteo sa 2 Timoteo 2:5 "At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid." Muling ginamit ni Pablo ang larawan ng isang atleta sa 2 Timoteo 4:7 "Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya." Habang ang pokus ng Kasulatan ay hindi sa pisikal na pag-eehersisyo, ang katotohanan ay ginamit ni Pablo mga pang manlalarong terminolohiya upang turuan tayo ng mga espirtwal na katotohanan at ito ay nangangahulugan na itinuturing ni Pablo na isang bagay na mabuting gawin ang pag-eehersisyo. Tayo ay mga espirtwal at pisikal na nilalang. Habang ang espirtiwal na aspeto ng ating pagkatao ay higit na mahalaga ayon sa Bibliya, hindi rin naman natin dapat pabayaan ang pisikal na aspeto ng ating pagkatao.

Maliwanag na walang masama sa pag-eehersisyo ng Kristiyano. Ang katotohanan ay itinuturo sa atin ng Bibliya na dapat nating ingatan ang ating mga katawan (1 Corinto 6:19-20). Gayun din naman, ang Bibliya ay nagbababala sa kawalang halaga ng lahat ng bagay sa lupa (1 Samuel 16:7; Kawikaan 31:39; 1 Pedro 3:3-4). Ang ating layunin sa pag-eehersisyo ay hindi para upang ayusin ang kalidad ng ating katawang lupa upang mapansin at hangaan ng mga tao. Sa halip ang dapat na layunin ng pag-eehersisyo ay upang mapaganda ang kundisyon ng ating pisikal na katawan upang magtaglay tayo ng pisikal na kalakasan upang magawa natin ang kalooban ng Diyos sa ating buhay.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kailangan bang mag-ehersisyo ang Kristiyano? Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa pangangalaga sa kalusugan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries