Tanong
Paano maiiwasan ng mga may-asawang Kristiyano ang emosyonal na pagtataksil?
Sagot
Ang emosyonal na pagtataksil ay nangyayari kapag ang isang may-asawa ay emosyonal na pakikipagpalagayang loob at sumusuporta sa isang indibidwal maliban sa kanyang asawa. Ang pagkakaroon ng emosyonal na pakikipagpalagayang loob sa isang tao maliban sa kanyang asawa ay mayroong panlalamig na epekto sa relasyon ng mag-asawa; dagdag pa, ito ay kadalasang umuunlad tungo sa pisikal na relasyon, na nagdudulot ng pagkasira ng pamilya. Maraming mga tao ang hindi kumikilala sa kabigatan ng emosyonal na pagtataksil, ngunit ang ganitong pakikipag-ugnayan ay mapanganib at nakakawasak ng kasal at pamilya.
Dapat na ang mag-asawa ay nagbahaginan ng mga problema, damdamin, at pangangailangan sa isa't isa at matukoy ang mga hangganan ng kung ano ang maibabahagi sa ibang tao. Ang pagkakaroon ng mga kaibigan ay isang malusog na bagay, ngunit ang pagsalig sa mga tagalabas upang matugunan ang mga pangangailangan sa emosyon ay maaaring maging isang tukso, lalo na kapag ang mga mag-asawa ay madalas na magkahiwalay.. Ang mga katrabaho at ang iba pa kung kanino tayo ay gumugugol ng malaking mga bahagi ng oras ay maaaring maging kapalit ng emosyonal na suporta ng isang asawa. Ang mga kaugnayan sa trabaho at pagkakaibigan ay kailangang magkaroon ng wastong mga hangganan upang matiyak na hindi sila magiging hindi angkop.
May mga babala ang isang inosenteng pakikipagkaibigan at maaaring humantong sa isang emosyonal na relasyon. Kapag nagsimula nang maramdaman ang pangangailangan na magtago ng mga aspeto ng isang relasyon, tinatawid na natin ng isang linya patungo sa hindi nararapat na teritoryo. Ang pagitan sa damdamin ng mag-asawa o ang pagtaas ng bilang ng mga pagtatalo ay maaaring magpahiwatig na ang isang asawa ay nagiging malapit na sa isang tao na hindi niya asawa.
Dapat bantayan ng mga Kristiyano ang tukso na lumapit sa iba maliban sa kanilang asawa. Narito ang ilang matalinong pagpapasya:
1. Huwag maglaan ng panahon na ikaw ay nag iisa kasama ang sinuman, lalo na kung kasama ang isang taong nagugustuhan mo.
2. Huwag magbigay ng mas maraming oras sa ibang tao kaysa ibinibigay mo sa iyong asawa.
3. Huwag magbahagi ng mga detalye ng iyong buhay sa sinuman bago ibahagi ito sa iyong asawa.
4. Mamuhay ng hayag. Gawin ang lahat na gaya ng naroroon ang iyong asawa.
5. Magtalaga ng pansariling panahon sa panalangin at pag-aaral ng Bibliya. Hilingin sa Diyos na maglagay ng bakod sa paligid ng iyong relasyon (Job 1:10).
6. Panatilihin ang isang dalisay na pag-iisip. Huwag mag-isip o magpantasya tungkol sa ibang tao.
7. Magplano ng oras kasama ang iyong asawa sa araw-araw, lingguhan, at buwanang pagkakataon at gamitin ang mga panahong iyon upang maging mas lalong malapit ang inyong mga damdamin.
Ang lahat ng ito ay makatutulong sa mga Kristiyano na kilalanin ang mga kahinaan at maiwasan ang tukso ng pagkakaroon ng emosyonal na pagtataksil.
Prayoridad ng Kristiyano ang kasal at pamilya na ikalawa lamang sa Panginoon. Ang Diyos ang tanging lubos na makatutugon sa ating mga pangangailangan, at Siya ang unang priyoridad. Idinesenyo ng Diyos ang pag-aasawa upang pag-isahin ang dalawang tao (Genesis 2:24). Nais Niya na sila'y magkasamang lumago at walang anomang makapaghihiwalay sa kanila (Mateo 19: 6). Dapat na pinahahalagahan ng mag-asawa ang kanilang relasyon sa paraan ng Panginoon at gumawa tungo sa pagpapalakas nito at maitatag ang pagiging malapit sa isa't isa. Ipinagbabawal din ng Panginoon ang pangangalunya o pagnanasa para sa isang tao na hindi asawa (Kawikaan 6:25; Exodo 20:14; Mateo 5:28). Ang mga tao na lumabas sa disenyo ng Panginoon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan ay nagkakasala laban sa Diyos at sumisira sa kanilang relasyon (Kawikaan 6:32; 1 Corinto 6: 9-20).
Naniniwala ang marami sa mundo na ang mag-asawa ay nangangailangan ng "puwang" hanggang sa punto na maghiwalay sila upang magkaroon ng malusog na relasyon. Hindi kailan man itinataguyod ng Bibliya ang co-dependency o pagsama ng ibang tao sa mahasawa sa iisang bubong. Gayunpaman, ang isang kasal ay sa kahulugan nito ay isang buhay na ipinamuhay at magkasamang plinano. Ang mga hindi nakakaunawa sa plano ng Diyos para sa kasal ay maaaring mag-isip na hindi malusog na ibahagi ang lahat ng bagay isang tao, ngunit iyan ang pagkakaiba ng kasal sa iba pang relasyon. Ito ay isang pinagpalang pagkakaisa sa pagitan ng dalawang tao at sumasalamin kay Cristo at sa Kanyang iglesia.
Ang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan sa isang tao maliban sa kanyang asawa, ito man ay sa pisikal o emosyonal ay kasalanan at pagsira sa pagtitiwala.
English
Paano maiiwasan ng mga may-asawang Kristiyano ang emosyonal na pagtataksil?