settings icon
share icon
Tanong

Bakit kinuha ng Diyos sina Enoc at Elias patungo sa langit nang hindi nakararanas ng kamatayan?

Sagot


Ayon sa Bibliya, sina Enoc at Elias ang tanging dalawang tao na dinala ng Diyos sa langit na hindi nakaranas ng kamatayan. Sinasabi sa atin ng Genesis 5:24, “At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagkat kinuha ng Dios.” Sinasabi sa atin ng Ikalawang Hari 2:11, “…na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.” Si Enoc ay inilarawan na isang taong “lumakad kasama ng Diyos sa loob ng 300 taon” (Genesis 5:23). Si Elias marahil ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga propeta ng Diyos sa Lumang Tipan. Mayroon ding mga hula tungkol sa pagbabalik ni Elias (Malakias 4:5-6).

Bakit kinuha ng Diyos sina Enoc at Elias?Hindi tayo binigyan ng ng tiyak na sagot ng Bibliya. Ang ilan ay nagbabakasakali na sila ay kinuha bilang paghahanda sa isang papel na gagampanan nila sa mga huling araw o sa mga huling panahon, marahil bilang dalawang mga saksi na binanggit sa Pahayag 11:3-12. Ito ay posible, ngunit hindi ito tiyakang itinuro sa Bibliya. Marahil ninais ng Diyos na iligtas sina Enoc at Elias mula sa karanasan ng kamatayan na nararapat para sa kanila dahil sa kanilang dakilang katapatan sa paglilingkod at pagsunod sa Diyos. Anoman ang dahilan, may layunin ang Diyos, at bagamat hindi natin laging nauunawaan ang Kanyang mga plano at layunin, alam natin na “ang kaniyang lakad ay sakdal” (Awit 18:30).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit kinuha ng Diyos sina Enoc at Elias patungo sa langit nang hindi nakararanas ng kamatayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries