settings icon
share icon
Tanong

espiritung teritoryal territorial spirits - Kung ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, bakit hindi na lang Niya lipulin si Satanas?

Sagot


"Espiritung teritoryal" o territorial spirits ang termino na ginagamit ng ilang mga Kristiyano sa mga demonyong naninirahan sa isang partikular na lugar. Samantala, ito rin ang termino na ginagamit ng mga pagano upang ilarawan ang mga kakaibang presensya na pinaniniwalaang nananahan sa isang partikular na lugar.

Ang konsepto ng mga Kristiyano sa mga espiritung teritoryal ay nagmula sa mga pahayag tulad ng sa Daniel 10; Juan 12:31; Juan 14:30; Juan 16:11; Markos 5:10; at Efeso 6:12. Lahat ng mga talatang ito ay nagpapahiwatig na ang mga nagrebeldeng anghel ay binigyan ng ilang mga responsibilidad sa partikular na lugar. Samakatwid, sila ay mga teritoryal. Gayunman, dapat nating alalahanin na ang katuruang ito ay pagpapalagay lamang. Hindi kailanman hayagang ipinahiwatig sa Bibliya ang herarkiya ng kapangyarihan ng mga demonyo sa mundo. Ang malinaw sa Bibliya ay, ang mga demonyo ay kumikilos sa mundo at ang mga mananampalataya ay palagiang sangkot sa digmaan laban sa mga ito.

Sa Daniel 10 halimbawa, isang anghel ang nakipaglaban sa kaaway nitong demonyo sa buong panahon ng pagdarasal at pagaayuno ni Daniel. Ang anghel ay nakatakas lamang at nakapunta kay Daniel nang matapos ang kanyang mahabang oras ng mataimtim na pananangis at pananalangin. Hinikayat sa Efeso 6 ang mga mananampalataya na lumaban sa mga espiritwal na kaaway at manatiling alerto at handa sa digmaan. Walang duda na ang ating pagpapagal sa mundo ay sumasalamin sa isang pakikibakang espiritwal.

Ang problema sa nakagisnang termino na "espiritung teritoryal" o territorial spirits ay may ilang mga Kristiyano ang naniniwala na tungkulin nila na hanapain at sagupain ang mga ito sa isang labanang espiritwal. Gayon pa man, hindi ito sinusuportahan ng Bibliya. Wala ni isang pagkakataon sa Bibliya kung saan may isang tao na masigasig na naghanap sa demonyo upang makipaglaban dito. May mga indibidwal na sinapian ng demonyo, ang ilan ay dinala kay Hesus at sa Kanyang mga disipulo upang pagalingin, ngunit hindi naghanap ang mga mga disipulo ng mga demonyo upang paalisin sa mga tao. Wala isa mang tao sa Bibliya ang nanalangin na "ang mga prinsipe ng kadiliman" sa isang bayan ay ‘mapigil’ mula sa kanilang pagkilos laban sa mga naninirahan sa bayang iyon.

Ang mga ‘espiritung teritoryal’, bagamat hindi isang hayagang ideya sa Bibliya ay tunay nga na umiiral, tulad ng nakita natin sa mga pahayag mula sa Bibliya. "Teritoryal" man o hindi ang espiritu, hindi ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang ating pananaw. Walang batayan sa Bibliya ang mga sumasampalataya Kay Kristo ay upang pamunuan ang espiritwal na pakikidigma sa pamamagitan ng pananalangin laban sa mga demonyo. Sa halip, ang isang mananampalataya ay dapat na may kamalayan na may labanang espiritwal na nagaganap at hindi ito dapat ipagwalang bahala (1 Pedro 5:8). Ang ating buhay ay kinakailangang nakatuon sa pananalangin at pagpapalago ng ating pananampalataya. Kung tayo man ay makatagpo ng demonyo, tayo ay may awtoridad na nagmula kay Kristo upang ito ay harapin, ngunit hindi sila nararapat na hanapin teritoryal man sila o hindi.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mga espiritung teritoryal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries