settings icon
share icon
Tanong

Papaano ko malalaman kung ano ang aking mga espiritwal na kaloob?

video
Sagot


Walang paraan o pagsusulit para eksaktong malaman kung ano ang ating mga espiritwal na kaloob. Ibinibigay ng Banal na Espiritu ang mga kaloob ayon sa Kanyang kalooban (1 Corinto 12:7-11). Hindi nais ng Diyos na tayo ay maging ignorante sa kung ano ang nais Niya upang paglingkuran Siya. Ang problema ay napakadali para sa atin na tumutok lamang sa akala natin ay kaloob na espiritwal na ibinigay sa atin ng Diyos. Hindi sa ganitong paraan malalaman ang ating mga espiritwal na kaloob. Tinawag tayo ng Diyos upang tapat na maglingkod sa Kanya. Bibigyan Niya tayo ng mga espiritwal na kaloob o kakayahan upang magampanan natin ang nais Niyang gawin natin para sa Kanya.



Ang pagtuklas sa ating mga espiritwal na kaloob ay maaaring maisagawa sa ilang mga kaparaanan. Kahit na hindi lubos na maaasahan ang mga pagsusulit na ito upang malaman ang mga kaloob na espiritwal ng isang tao, maaaring makatulong ang pagsusulit na ito upang maunawaan natin kung ano ang ating mga espiritwal na kaloob. Ang patotoo ng ilang tao ay nakapagbibigay rin ng liwanag sa ating mga angking espiritwal na kaloob. Ang mga kapwa natin mananampalataya na nakakakita sa atin na naglilingkod sa Diyos ang nakakapansin minsan kung ano ang ating mga espiritwal na kaloob na kadalasan ay ating binabale-wala lamang o hindi napapansin. Mahalaga rin ang panalangin. Ang tiyak na nakakaalam kung ano ang ating mga kaloob na espiritwal ay ang siyang nagbibigay mismo nito - Ang Banal na Espiritu. Maaari nating hilingin sa Diyos na ipakita Niya sa atin kung ano ang ating mga kaloob na espiritwal, upang magamit natin ang mga kaloob na ito para sa Kanyang kaluwalhatian.

Oo, tinawag ng Diyos ang ilan na maging guro at binigyan sila ng kaloob upang makapagturo ng mabuti. Tinawag naman ng Diyos ang ilan na maging tagapaglingkod at biniyayaan sila ng kaloob ng pagtulong. Gayon man, kung tiyak na malalaman natin ang ating mga espiritwal na kaloob ay hindi ito ang dahilan upang hindi na tayo maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng mga gawain sa Iglesia na alam nating hindi sakop ng ating mga espiritwal na kaloob. Makabubuti ba na malaman natin kung ano ang mga espiritwal na kaloob na binigay sa atin ng Diyos? Oo. Mali ba na nakatuon na lang palagi ang ating pansin sa ating mga espiritwal na kaloob at kaligtaan na natin ang iba pang mga oportunidad sa paglilingkod sa Diyos? Hindi! Kung tayo ay tapat na magpapagamit sa Kanya, tutulungan Niya tayo at ibibigay Niya ang mga kaloob na espiritwal na ating kinakailangan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Papaano ko malalaman kung ano ang aking mga espiritwal na kaloob?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries