settings icon
share icon
Tanong

Ano ang espiritwal na kamatayan?

Sagot


Ang kamatayan ay pagkahiwalay. Ang pisikal na kamatayan ay pagkahiwalay ng kaluluwa mula sa katawan. Ang espiritwal na kamatayan na may mas malaking kahagalahan, ay pagkahiwalay ng kaluluwa mula sa Diyos. Sa Genesis 2:17, sinabi ng Diyos kay Adan na sa araw na kumain siya ng ipinagbabawal na bunga, siya’y tiyak na mamamatay. Nagkasala nga si Adan, ngunit hindi agad naganap sa kanya ang pisikal na kamatayan; may isa pang uri ng kamatayan ang nasa isip ng Diyos – ang espiritwal na kamatayan. Ang pagkahiwalay na ito ang ating eksaktong makikita sa Genesis 3:8. Nang marinig nina Adan at Eba ang tinig ng Diyos pagkatapos nilang magkasala, nagtago sila sa presenya ng Diyos. Naputol ang kanilang relasyon. Namatay sila sa espiritwal.

Ang isang taong walang Cristo ay patay sa espiritwal. Inilarawan ito ni Pablo bilang, “pagkahiwalay sa presensya ng Diyos” sa Efeso 4:18. (Ang mahiwalay ay katulad ng isang patay). Ang normal na tao, gaya ni Adan na nagtago sa hardin ng Eden ay hiwalay sa Diyos. Nang tayo’y isilang na muli, nasolusyonan ang espiritwal na kamatayan. Bago natin maranasan ang kaligtasan, tayo ay patay (sa espiritwal), ngunit binuhay tayo ni Jesus. “Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan” (Efeso 2:1). “Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo” (Colosas 2:13).

Para ilarawan, isipin natin si Jesus noong binuhay Niya si Lazaro sa Juan 1:1. Si Lazaro na patay sa pisikal ay walang magagawa sa kanyang sarili. Hindi niya kayang tumugon sa kahit anong pagtawag, hindi niya alintana ang anumang nagaganap sa kanyang paligid, at walang kahit anog pag-asa at hindi maaaring tulungan ng sinuman—maliban sa Panginoong Jesu Cristo na Siyang “katotohanan at buhay” (Juan 11:25). Sa pagtawag ni Jesus, napuno ng buhay si Lazaro at tumugon sa Kanya. Sa parehong paraan, tayo ay patay sa espiritwal, hindi kayang iligtas ang ating mga sarili, walang kakayahang maunawaan ang Diyos—hanggang sa tawagin tayo ni Jesus sa Kanyang sarili. “Iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin” (Tito 3:5).

Tinatalakay sa Aklat ng Pahayag ang isang “ikalawang Kamatayan,” na siyang huli at walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos. Ang mga tao lamang na hindi nakaranas ng bagong buhay kay Cristo ang makakaranas ng ikalawang kamatayan (Pahayag 2:11; 20:6, 14; 21:8).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang espiritwal na kamatayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries