settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kilusang tinatawag na espiritwal na pormasyon (spiritual formation movement)?

Sagot


Ang kilusang tinatawag na espiritwal na pormasyon o spiritual formation movement ay napakapopular sa kasalukuyan. Gayunman, sa maraming kadahilanan, ito ay paglayo sa katotohanan ng Salita ng Diyos at paniniwala sa isang mistikal na anyo ng Kristiyanismo at napasok nito sa iba’t ibang antas ang halos lahat ng mga denominasyong Ebangheliko. Ang ideya ng pormasyong espiritwal ay nakabase sa isang katuruan na kung gagawin natin ang ilang mga gawain at magiging kagaya tayo ni Hesus. Ang mga nagtataguyod ng kilusang ito ay nagtuturo na ang kahit sino ay maaaring magsanay ng mga mistikal na ritwal at matatagpuan nila ang Diyos sa kanilang sarili.

Mas madalas na ang mga nagsusulong ng kilusang ito sa panahon ngayon ay naniniwala na binabago ng mga espiritwal na disiplina ang isang taong naghahanap sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa isang katotohanan ng kamalayan. Ang kilusang ito na tinatawag na espiritwal na pormasyon ay kinakikitaan ng mga gawaing gaya ng pagbubulay bulay sa panalangin, pagbubulay bulay sa espiritwalidad at Kristiyanong mistisimo.

Ang tunay na espiritwal na pormasyon na naaayon sa Bibliya o pagpapanibagong espiritwal ay nagsisimula sa pangunawa na tayo ay mga makasalanan na namumuhay ng hiwalay sa Diyos. Ang lahat sa ating buong pagkatao ay narumihan ng kasalanan at hindi natin kayang bigyang kasiyahan ang Diyos sa ating sariling kakayahan. Ang tunay na espiritwal na pormasyon ay nagaganap kung ipagkakatiwala natin ang ating sarili sa Diyos upang baguhin Niya tayo sa pamamagitan ng gabay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ang layunin ng halos kalahati sa lahat ng sulat ng mga apostol ay upang turuan tayo kung paano mamuhay ng kalugod lugod sa Diyos – sa pamamagitan ng pagigng masunurin at sa pagpapasakop sa Banal na Espiritu sa lahat ng bagay. Tinatawag tayo ng Kasulatan ng mga tinubos, iniligtas, binanal, mga tupa, mga sundalo at mga alipin. Ngunit itinuturo din nito na sa pamamagitan lamang ng Banal na Espriitu tayo makakapamuhay bilang mga tunay na mananampalataya.

Ang mga sumusunod na talata ang sasagot sa iba’t ibang aspeto ng espiritwal na pormasyon, na gawain ng Diyos sa buhay ng isang mananampalataya:

“Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid” (Roma 8:29). Ito ang tunay na layunin ng transpormasyon: maging katulad tayo ni Kristo.

“At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya” (2 Corinto 3:18). Ito ay bahagi ng isang kabanata na nagtuturo kung paano tayo mababago upang maging kalarawan ni Kristo hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin, kundi sa pangunguna ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.

“Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y ipinanganak na muli sa pamamagitan ng tubig at tayo rin ay binago ng Espiritu Santo. Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan” (Tito 3:3-7).

Ipinaalala ni Pablo sa mga talata ang mga katotohanan kung paano tayo naging mga mananampalataya. Tumugon tayo sa “kabutihan at pag-ibig ng Diyos” na Kanyang ipinakita sa atin ng mamatay si Kristo para sa ating mga kasalanan. Nagsisi tayo sa ating mga kasalanan at ngayon at tumutugon tayo sa patuloy na pangunguna at pagbibigay sa atin ng kalakasan ng Espiritu upang makapamuhay bilang mga anak ng Diyos. Bilang resulta, nabago tayo sa pamamagitan ng “muling kapanganakan at pagpapanibago sa atin ng Banal na Espritu (v. 5). Ito ngayon ang tunay na espiritwal na pormasyon – ang pagpapanibago sa ating mga espiritu sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu upang maging katulad tayo ni Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kilusang tinatawag na espiritwal na pormasyon (spiritual formation movement)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries