Tanong
Sinusuportahan ba ng Bibliya ang eugenics?
Sagot
Ang eugenics ay isang kilusang sosyal na sumusuporta sa pagpapaganda at pagpapalakas ng populasyon ng tao sa pamamagitan ng pagpili ng lalahian at iba pang pamamaraan. Ito ay orihinal na dinebelop ni Francis Galton, pinsan ni Charles Darwin, at base sa teorya ng ebolusyon ni Darwin. Ang salitang eugenics ay literal na nangangahulugang “magandang pagsilang” at nagmula sa salitang Grieygo na “isinilang na malakas,” “may dugong maharlika.” Ang layunin ng eugenics ay gawing mas magandang lugar ang mundo (o isang bansa) sa pamamagitan ng paggabay sa tatahakin ng pagpaparami ng tao at sa paglilinis ng gene pool.
Isinusulong ng mga eugenicists ang pag-screen ng genes, pagkontrol sa panganganak, pagbubukod-bukod sa tao, sapilitang pagpipigil sa pagbubuntis, pwersahang pagbubuntis, at pagpapalaglag. Bulgarang sinasanay lamang ang eugenics noong mga unang dekada ng ika-20 siglo sa maraming bansa kabilang ang Estados Unidos. Ilang batas ang naipasa na nagpapahintulot para sa pwersahang pagpipigil sa panganganak ng mga tao. Ganito ang batas sa Virginia na nanalo sa isang hamon sa korte na ang desisyon ay ginawa ni Supreme Court Justice Oliver Wendell Holmes, Jr. Nakasaad sa desisyon, “Ito ay makakatulong para sa lahat ng tao sa mundo, kung sa halip na maghintay na gumawa ng krimen sa mahihinang nilalang o hayaan sila na mamatay sa gutom dahil sa kanilang kahinaan, maaaring hadlangan ng sosyedad ang pagdami ng mga taong hindi karapatdapat na magpatuloy pa ang lahi” (Buck v. Bell, Supreme Court, 274 U.S. 200, dinesisyonan noong May 2, 1927). Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, hindi nagustuhan ng mga tao ang eugenics ng mahayag ang lahat ang kabuktutan ng mga NAZI.
Ang nagtatag ng Planned Parenthood, ang pinakamalaking institusyon na nagsusulong ng aborsyon sa Estados Unidos na si Margaret Sanger, na isa ring tagasuporta sa eugenics ang nagsabi sa kanyang aklat na “Ang Babae at ang Bagong Lahi”: “Ang kahabagang maipapakita ng isang malaking pamilya sa isa sa mga batang miyembro nito ay ang patayin ang batang iyon” (Chapter 6, “The Wickedness of Creating Large Families,” 1920). Ninanais niya na “gumawa ng isang magandang lahi ng tao” at mas nanaisin niya na “magkaroon ng isang libong malalakas na tao kaysa sa isang milyong mahihina” (Radio WFAB Syracuse, February 29, 1924, transcripted in “The Meaning of Radio Birth Control,” April 1924, p. 111).
Hindi partikular na binabanggit sa Bibliya ang eugenics, pero ang ideya sa likod ng eugenics—na maaaring pabutihin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpigil sa pagsilang ng mga “hindi kanais-nais na tao”—ay ganap na hindi naaayon sa Bibliya. At ang mga pamamaraang isinusulong ng mga eugenicists, kabilang ang aborsyon, pagpatay dahil sa awa (euthanasia) at pagbubukod sa lahi, ay mga karumaldumal na gawain. Sinabi ng Diyos sa sangkatauhan na “humayo at magparami” (Genesis 1:28; 9:1, 7). Walang tangi sa utos na ito na ibinigay sa Kasulatan at tiyak na walang kasamang modipikasyon sa lahi ang kasama dito. Isang kabuktutan para sa mga inhenyerong sosyal para panghimasukan ang awtoridad ng Diyos sa buhay at kamatayan para lumikha ng isang “mahusay na lahi.” Ayon sa Bibliya, may isa lamang lahi—ang lahi ng tao—at ang lahat ay nagmula kina Adan at Eba. Ang diskriminasyon sa lahi at pagpapalagay ng isang lahi na mas mataas ito kaysa ibang lahi ay laban sa mismong kalikasan ng Diyos: “At nagsalita si Pedro, “Ngayon ko lubusang nauunawaan na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit tagasaan mang bansa” (Gawa 10:34-35).
Isinulat ng isang teologo na si G. K. Chesterton sa kanyang 1922 aklat na Eugenics and Other Evils, “Walang katuwiran sa eugenics, ngunit maraming motibo. Malabo ang mga tagasuporta nito tungkol sa teoryang ito, pero praktikal sila sa pagsasanay nito” (mula sa Chapter VIII ng “A Summary of a False Theory”). Dahil ang pagsasanay nito ay kinapapalooban ng aborsyon at pagpatay dahil sa awa, ang eugenics ay simpleng sinasadyang pagpatay o murder.
Hindi na tinatawag na eugenics ang ideolohiyang ito ngayon, ngunit ang nakapailalim na pilosopiya ay nakikita pa rin sa medisinang genetics. Sa tuwing isang posibleng depekto sa genes ang makikita sa isang batang hindi pa isinisilang, may ilang magasawa na pinipiling ipalaglag ang bata. Isang halimbawa ang isang bata sa tiyan ng ina na may down syndrome. Sa Estados Unidos, tinatayang 67 porsyento ng mga batang hindi pa isinisilang na natagpuang may down syndrome ang ipinalalaglag; 77 porsyento naman sa France, 98 porsyento sa Denmark; at halos 100 porsyento naman sa Iceland (“What kind of society do you want to live in?’: Inside the country where Down syndrome is disappearing,” cbsnews.com/news/down-syndrome-iceland, accessed 6/22/20). Ito rin ay eugenics sa ibang tawag, habang nagpapatuloy ang mga tao na kilalanin at alisin ang mga genetic materials na itinuturing nilang hindi kanais-nais.
Walang merito at imoral na eksperimentong sosyal ang eugenics. Ito ay isang mdulas na dalisdis kung saan ang mga hangal na siyentipiko ng Chesterton ay pinawawalang halaga ang awtoridad ng Diyos at sinisikap na gumawa ng kanilang sariling utopia sa mundo. Ilang siglo ang nakakaraan, idinaing ni Job ang kasamaan noong kanyang panahon: “Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw, at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang. Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw” (Job 24:14). Ito ang papel ng eugenicist: pinapatay ang mahihirap at nangangailangan at ang mga tinuturing na “hindi karapatdapat,” hinahadlangan ang “mahirap na kalagayan sa buhay” (sa kanilang sariling pananaw) sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay, hindi pagbibigay ng kalayaan sa tao, at pinaglalaruan ang Diyos.
Noong naglalakad si Jesus at ang Kanyang mga alagad sa Jerusalem, tinanong si Jesus ng Kanyang mga alagad tungkol sa sang lalaking ipinanganak na bulag. Gusto nilang malaman kung “sino ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang” (Juan 9:2). “Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya” (talata 3). Sino tayo para magdesisyon kung sino ang gagamitin at hindi gagamitin ng Diyos para Niya ihayag ang Kanyang kapangyarihan?
Sa direktang pagsalungat sa eugenics, sinasabi sa atin ng Bibliya na ipagtanggol natin ang mahihina at walang kakayahan: “Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!” (Awit 82:4); “Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag” (Awit 41:1; tingnan ang Mateo 25:35–36; Gawa 20:35). Ang pagpatay sa mahihina, pagbabawas ng mas malakas sa kanilang itinuturing na mga “hindi karapatdapat para mabuhay” at “pagpatay sa mahihina” ay isang sukdulang kasamaan.
English
Sinusuportahan ba ng Bibliya ang eugenics?