settings icon
share icon
Tanong

Gaano kadalas dapat magtalik ang magasawa?

Sagot


Hindi sinasabi sa atin ng Bibliya kung gaano kadalas dapat magtalik ang magasawa, sinasabi nito sa atin na magpipigil sa sekswal na gawain ang isang magasawa kung ito ay kanilang napagkasunduan. Sinasabi sa atin sa 1 Corinto 7: 5, "Huwag kayong magkait sa isa't isa malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping, upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Pagkatapos magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil." Kaya, ang pagsang-ayon ng isa't isa sa "panuntunan" kung gaano kadalas dapat magsiping ang magasawa. Ang "tuntunin" ay ang pagpipigil sa pakikipagtalik at dapat na pagkasunduan, at kahit na ito ay napagkasunduan, ito ay dapat na sa loob ng maikling panahon lamang.

Ang pagtatalik ay hindi dapat na inaalis o ipinipilit. Kung ayaw makipagtalik ng isang asawa, dapat na sumang-ayon ang asawa. Kung ang isang asawa ay nais makipagtalik, ang asawa niya ay dapat ding sumang-ayon. Ang lahat ay pakikipagkompromiso. Dapat nating tandaan na ang ating mga katawan ay sa ating mga asawa, gaya ng sinasabi sa 1 Corinto 7: 4, "Sapagkat hindi na ang babae ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang kanyang asawa; gayon din naman, hindi na ang lalaki ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang kanyang asawa." Malinaw na ang "pagkakasundo sa seks" ay makatwiran. Kung ang isang asawa ay nagnanais ng sex araw-araw, at ang isa naman ay isang beses lamang sa isang buwan o mas kaunti, dapat silang magkasundo ng may pagmamahal at pagsasakripisyo at makipagkompromiso ayon sa mapagkakasunduan nila. Ipinakikita ng mga pag-aaral, batay sa iba't ibang edad, na ang tipikal na magasawa ay nagtatalik ng 2 beses sa loob ng isang linggo.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Gaano kadalas dapat magtalik ang magasawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries