settings icon
share icon
Tanong

Gaano kalaki ang langit?

Sagot

Ang salitang “langit” sa Lumang Tipan ay ang salitang Hebreo na shameh o shamayim, na tumutukoy sa kalangitan, ang matayog na arko sa itaas ng mundo kung saan gumagalaw ang mga ulap, at higit pa doon ang lugar kung saan umiiral ang mga planeta at bituin. Sa Bagong Tipan, ang salitang langit ay isang pagsasalin ng Greek ouranos na nangangahulugang “ang langit” at “ang tahanan ng Diyos” at sa pamamagitan ng pagpapalawig, “isang walang hanggang kaharian ng kaligayahan at kaluwalhatian.” Ang lawak ng kalangitan ay isang metapora para sa kadakilaan at kataasan ng Diyos. Ito ang pinakamahusay na makalupang representasyon ng lugar kung saan nakatira ang Diyos.

Gaano kalaki ang langit-gaano kalaki ang lugar kung saan nakatira ang Diyos? Alam natin na ang Diyos mismo ay walang hanggan. Hindi makapagtataglay sa kanya ang langit at lupa. Sa mga tuntunin ng panahon, walang simula o katapusan ang kanyang mga taon (Awit 102:27); sa mga tuntunin ng kanyang kaharian, walang katapusan ang kanyang paghahari (Lucas 1:33); sa mga tuntunin ng kanyang katangian, Hindi Siya nagbabago (Hebreo 1:12; Santiago 1:17). Nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa (Genesis 1:1). Tungkol sa paglikha ng Diyos sa mga bituin, sinabi ni Isaias, “Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man” (Isaias 40:26).

Hindi pa nakakapagtala ang mga siyentipiko ng sukat ng kilalang pisikal na kalawakan. Mayroong isang larawan na tinatawag na XDF (Extreme Deep Field) na pinagsama-sama mula sa mga larawang kuha ng Hubble Space Telescope sa loob ng sampung taon. Nagpapakita ito ng napakaraming galaxy, bawat isa ay binubuo ng bilyun-bilyong bituin tulad ng ating araw. Ang ating araw ay 93 milyong milya ang layo mula sa mundo. At napakalayo ang mga kalawakan - ang Andromeda galaxy ang pinakamalapit na galaxy sa atin na may 2.2 milyong light years ang layo. Upang magbigay ng ideya kung gaano kalayo iyon, ang isang shuttle na naglalakbay ng 18,000 milya bawat oras ay mangangailangan ng 37,200 taon upang maglakbay ng isang light year. Ganap na napakalaki ng kalawakan - at nilikha ng Diyos ang lahat ng ito.

Kaya, gaano kalaki ang langit? Hindi namin alam ang eksaktong laki. Ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng anumang mga linyar na sukat. Nang makita ni Juan ang kaniyang pangitain tungkol sa langit, isinulat niya, “Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero” (Pahayag 7:9). Ang langit ay sapat na malaki para sa di-mabilang na dami ng tao - at maaari nating isipin na hindi magkakaroon ng pagsisiksikan sa langit.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Gaano kalaki ang langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries