Tanong
Pangmatagalang buhay may asawa - ano ang susi?
Sagot
Ayon sa pahayag ni Apostol Pablo, ang asawang babae ay "nakatali" sa kanyang asawang lalake hangga't ito ay nabubuhay (Roma 7:2). Ang tuntunin dito ay sino man sa asawang babae o lalake ay kailangan munang mamatay bago maputol ang samahang mag-asawa. Ito ay kautusan ng Dios, subalit sa ating makabagong lipunan higit sa 51% ng nag-aasawa ay nagwawakas sa diborsyo. Ang ibig sabihin ay higit sa kalahati ng mga magpakareha na sumusumpa ng "Ang kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin" ay sumisira ng kanilang pangako.
Ano ang maaring gawin ng mag-asawa upang makaseguro na magtatagal ang kanilang pagsasama? Ang una at pinakamahalangang paksa ay patungkol sa pagsunod sa Dios at sa Kanyang Salita. Ito ay isang prinsipyo na dapat ay sinusunod bago pa magpakasal. Wika ng Dios, "Maglalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?" (Amos 3:3). Sa mga mananampalatayang ipinanganak na muli, ito ay nangangahulugan na hindi magsisimula ng isang malapit na kaugnayan kanino man sa hindi mananampalataya, "Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya; sapagka't anong pakikisama mayroon ang katwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?" (2 Corinto 6:14). Kung ang prinsipyong ito ay susundin, makakaligtas sila sa maraming sama ng loob at paghihirap sa kanilang buhay mag-asawa.
Isa pang prinsipyo na mangangalaga upang magtagal ang buhay mag-asawa ay, ang asawang lalake ay dapat na sumusunod sa Dios at nagmamahal, gumagalang at nagtatanggol sa kanyang asawang babae tulad ng sa kanyang sarili (Efeso 5: 25-31). Ang katuwang na prinsipyo ay ang asawang babae ay dapat na sumusunod sa Dios ay nagpapasakop sa kanyang asawa na "gaya ng sa Panginoon" (Efeso 5:22). Ang pag-aasawa ng isang lalake at babae ay larawan ng kaugnayan ni Cristo ay ng iglesia. Ibinigay ni Cristo ang Kanyang sarili para sa iglesia at ito ay Kanyang iniibig, iginagalang at ipanagtatanggol bilang kanyang "asawang babae."
Noong dinala ng Dios si Eva kay Adam sa unang kasalan, nilikha siya mula sa kanyang "laman at buto" (Genesis 2:21) at sila ay naging "isang laman" (Genesis 2:23-24). Ang pagiging "isang laman" ay mas higit pa sa pangkatawang pagsasama. Ito ay nangangahulugan ng pagtatagpo ng pag-iisip at kaluluwa upang maging isa. Ang kaugnayang ito ay higit pa sa hila ng katawan at damdamin at patungo sa katayuan ng pangesperituwal na "pagkakaisa" na matatagpuan lamang kung ang bawat isa ay sumuko sa Dios at sa isa't isa. Ang kaugnayang ito ay hindi umiikot sa "akin at puro sa akin" nguni"t sa "tayo at sa atin." Isa ito sa lihim ng nagtatagal na pagsasama. Ang gawin na ang pagsasama ay magtagal hanggang kamatayan ay isang bagay na kailangang maging pinakamahalagang layunin ng mag-asawa. Ang pagpapatibay ng pataas na kaugnayan sa Dios ay mahaba ang mararating sa pagpapatibay ng pahalang na kaugnayan sa pagitan ng mag-asawa upang ito ay magtagal, samakatuwid baga'y nagbibigay karangalan sa Dios.
English
Pangmatagalang buhay may asawa - ano ang susi?