settings icon
share icon
Tanong

Mayroon ba tayong anghel dela guardia/bantay na anghel?

Sagot


Sinasabi sa Mateo 18:10, "Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit." Sa konteksto ng talata ang mga "maliliit na ito" ay maaaring tumukoy sa mga bagong mananampalataya (talata 6) o di kaya naman ay sa mga maliliit na bata (talata 3-5). Ito ang pangunahing talata patungkol sa anghel dela guardia o bantay na anghel. Walang duda na ang mabubuting anghel ang nagiingat sa atin (Daniel 6:20-23; 2 Mga Hari 6:13-17), nagbibigay ng impormasyon (Gawa 7:52-53; Lukas 1:11-20), gumagabay (Mateo 1:20-21; Gawa 8:26), nagbibigay ng pangangailangan (Genesis 21:17-20; 1 Hari 19:5-7), at naglilingkod sa mga mananampalataya sa pangkalahatan (Hebreo 1:14).

Ang tanong ay ang bawat tao ba - o bawat mananampalataya - ay may nakatalagang anghel? Sa Lumang Tipan, itinalaga ng Diyos si arkanghel Miguel para sa bansang Israel (Daniel 10:21; 12:1), ngunit hindi sinasabi sa alinmang bahagi ng Bibliya na may isang anghel na nakatalaga para sa bawat tao (isinusugo minsan ng Diyos ang isang anghel para protektahan ang isang tao, ngunit walang banggit sa Bibliya tungkol sa permanenteng gawain ng isang anghel sa isang tao). Nabuo ang paniniwala ng mga Hudyo sa anghel dela guardia sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Ang ilang mga lider ng iglesya ay naniniwala na may nakatalagang isang mabuting anghel para sa bawat isang tao at hindi lamang isang mabuting anghel kundi isang masamang anghel o demonyo rin naman. Ang paniniwala sa anghel dela guardia/bantay na anghel ay isang matagal ng paniniwala, ngunit walang malinaw na basehan sa Bibliya ang katuruang ito.

Kung babalikan natin ang Mateo 18:10, ang salitang "kanilang mga anghel" ay tumutukoy sa katotohanan na ang mga mananampalataya ay pinaglilingkuran ng mga anghel sa pangkalahatan. Ang mga anghel na ito ay inilalarawan na ‘laging’ nakikita ang mukha ng Diyos upang dinggin ang Kanyang utos at upang tulungan ang manamapalataya kung kinakailangan. Ipinakikita sa talatang ito na hindi mas interesado ang mga anghel sa pagtulong sa mga mananampalataya kaysa sa pakikinig sa Diyos Ama sa langit. Ang kanilang aktibong pakikinig, ang pagmamasid sa mukha ng Diyos ay nangangahulugan na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng bagay. Nakikita Niya ang mga mananampalataya sa bawat sandali at Siya lamang ang nakakaalam kung kailangan ng bawat isa sa atin ang tulong ng mga anghel. Dahil patuloy nilang minamasdan ang mukha ng Diyos, ang mga anghel ay laging nakahanda na sundin ang utos ng Diyos na tulungan ang isa kanyang "maliliit na anak."

Hindi masasabi ng tiyakan mula sa Bibliya kung may nakatalagang isang anghel para sa bawat isang mananampalataya. Ngunit, katulad ng nasabi sa itaas, ginagamit ng Diyos ang mga anghel sa pagmiministeryo sa atin. Ang sabihin na ginagamit ng Diyos ang mga anghel sa atin gaya ng ginagamit tayo ng Diyos ay ayon sa Bibliya. Ngunit hindi Niya tayo kailangan o maging ang mga anghel man upang ganapin ang kanyang layunin bagamat ginagamit Niya tayo at ang mga anghel (Job 4:18; 15:15). Sa huli, kung mayroon man o walang anghel na nagiingat sa atin, mayroon tayong higit na katiyakan mula sa Diyos: na kung tayo ay Kanyang mga anak, gumagawa Siya sa lahat ng mga bagay para sa ating ikabubuti (Roma 8:28-30), at hindi tayo kailanman iiwan ni pababayaan man ng Panginoong Hesu Kristo (Hebreo 13:5-6). Kung mayroon tayong Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay, makapangyarihan sa lahat at puno ng pagmamahal para sa atin, mahalaga pa bang malaman kung mayroong anghel na nagbabantay sa atin?

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mayroon ba tayong anghel dela guardia/bantay na anghel?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries