settings icon
share icon
Tanong

Ano ang guff?

Sagot


Ang guff ay isang terminolohiya na ginagamit ng Talmud para tukuyin ang sisidlan o lalagyan ng mga hindi pa isinisilang na kaluluwa. Ang Talmud ay ang komentaryo ng mga Judio sa Torah, o ang Lumang Tipan, partikular ang unang limang aklat ng Bibliya na kilala sa tawag na Pentateuch. Sinasabi sa tradisyon ng mga Judio na nagsimula ang Talmud bilang mga pagtuturo sa mga salita na ipinasa mula kay Moises na kalaunan ay nakumpleto sa pagitan ng ika-apat at ikalawang siglo B.C.

Ang literal na kahulugan ng salitang guff ay “katawan.” Sinasabi ng Talmud, “Ang Mesiyas ay hindi darating hangga’t may natitira pang kaluluwa sa guff.” Sinasabi ng Talmud na may mga kaluluwa sa langit na naghihintay na maisilang sa lupa. Hangga’t hindi sila naisisilang, naghihintay sila sa isang imbakan sa langit na tinatawag na “guff,” at hindi darating ang Mesiyas hangga’t ang bawat isa sa mga kaluluwang ito ay hindi isinisilang sa pisikal na mundo.

Biblikal ba ang ideya ng guff? Hindi. Hindi ito naaayon sa Bibliya. Hindi itinuturo sa kasulatang Hebreo o ng Bagong Tipan na may isang lalagyan ng kaluluwa sa langit. Hindi itinuturo ng Bibliya na naghihintay ang mga kaluluwa na pumasok sa mga katawan sa tuwing isinisilang ang mga tao. Malinaw ang itinuturo ng Bibliya kung paanong nililikha ang mga kaluluwa ng tao, ngunit ang konsepto ng guff ay hindi sumasang-ayon sa itinuturo ng Bibliya tungkol sa pinagmulan ng kaluluwa ng tao. Mas naaayon sa Bibliya na paniwalaan na nililikha ng Diyos ang bawat kaluluwa ng tao sa oras ng pagbubuntis o kaya naman ay namamana ang kaluluwa sa mga magulang sa pamamagitan ng pagsasama ng pisikal at espiritwal ng tao sa tiyan ng ina ng bata.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang guff?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries