settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng salitang halleluiah?

Sagot


Ang salitang halleluiah ay nakilala sa konteksto ng "halleluiah chorus" mula sa kantang "Messiah" ni Handel. Ang Halleluiah ay isang salitang Hebreo na nangangahulugang "Purihin si Yah (Yahweh)." Sa modernong gamit, ang Halleluiah ay nangangahulugang "Purihin ang Panginoon."

Ang salitang Halleluiah sa Pahayag 19 ay ginamit sa langit kung saan nagkakatipon ang hindi mabilang na tao sa harap ng trono sa mismong presensya ng Diyos. Ito ang piging ng Kordero. Natalo na ang mga kaaway ng Diyos at nagtagumpay na ang Ebanghelyo. Sa isang selebrasyon ng tagumpay, nagpuri ang lahat sa langit at nagkakaisang umawit ng pasasalamat ang lahat ng mga banal. Ang mga dahilan para sa maluwalhating pagpupuri ay ang makatarungang tagumpay ng Diyos sa Kanyang mga kaaway (Pahayag 19:1–3), ang Kanyang walang hanggang kapamahalaan (talata 4–6), at ang Kanyang walang hanggang pakikisama sa Kanyang bayan (talata 7). Ang ingay ng pagsamba at pagpupuri ay nakamamangha anupa't nailarawan lang ito ni apostol Juan na gaya ng "lagaslas ng maraming tubig," at gaya ng "ugong ng malalakas na kulog" (talata 6).

Napakadakila ng pagbubunyi at kagalakan ng bayan ng Diyos sa piging na ito ng Kordero (ni Cristo) at ng Kanyang kasintahan (ang iglesya) na tanging ang salitang Halleluiah ang sapat para ipahayag ang kagalakang ito. Ang bersyon ni Handel ng dakilang koro sa langit gaano man kaganda iyon ay isa lamang mahinang larawan ng karingalan na ipapahayag ng Koro sa langit habang inaawit natin ang "Halleluiah sa ating naghaharing Panginoong Diyos."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng salitang halleluiah?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries