settings icon
share icon
Tanong

Bakit hinahayaan ng Diyos na atakehin tayo ni Satanas?

Sagot


May iba’t ibang anyo ang pagatake ni Satanas. 1) Ginagamit niya ang mga taong walang kinikilalang Diyos na nasa ilalim ng kanyang kontrol (1 Juan 5:19) upang gisingin ang ating makalamang pagnanasa at tuksuhin tayong magkasala. 2) Ginagamit niya ang mga makamundo upang dayain tayo sa karunungang makasanlibutan na sumasalungat sa katotohanan ng Diyos. 3) Ginagamit niya ang mga huwad na Kristiyano upang tangkain tayong iligaw sa huwad na Ebanghelyo na nakasentro sa isang huwad na Kristo. 4) Sinasaktan niya tayo o ang mga mahal natin sa buhay sa pisikal sa pamamagitan ng mga sakit, krimen, trahedya o paguusig. Dahil nalalaman natin na ang Diyos ang may ganap na kapamahalaan sa sangnilikha, natural na itinatanong natin, bakit hinahayaan ng Diyos na atakehin tayo ni Satanas sa ganitong mga paraan?

Itinuturo ng Bibliya na hinahayaan ng Diyos si Satanas na magkaroon ng ilang antas ng kalayaan (tingnan ang Job 1:12), ngunit ang kalayaang ito ay laging limitado. Hindi ni Satanas kayang gawin ang anumang kanyang maibigan. Pinipili ni Satanas na atakehin ang mga anak ng Diyos (tingnan ang 1 Pedro 5:8) at ang kanyang layunin ay laging masama; si Satanas ay isang mamamatay tao (Juan 8:4). Sa kabaliktaran, idinisenyo ng Diyos na pahintulutan si Satanas na atakehin tayo para sa ating ikabubuti dahil iniibig Niya ang Kanyang mga anak (1 Juan 4:16). Humarap si Jose sa maraming pagatake ni Satanas sa kanyang buong buhay, ngunit sa huli, buong pagtitiwala niyang sinabi na laging may dalawang magkalabang layunin ang Diyos sa parehong mga pangyayari: “Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon” (Genesis 50:20).

Hindi natin maaaring sisihin ang Diyos sa ginagawa ni Satanas. Ang ating kahinaan sa pagatake ni Satanas ay nagumpisa ng piliin ni Adan na sundin ang mga kasinungalingan ni Satanas sa hardin ng Eden. Nang atakehin ni Satanas si Job sa pamamagitan ng pagpatay sa kanyang pamilya at pagbawi sa kanyang kayamanan at pagatake sa kanyang kalusugan, hindi ni Job sinisi ang Diyos. Pansinin ang Job 1:21-22, “Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!” Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi niya sinisi ang Diyos, kaya't hindi siya nagkasala laban sa kanya.”

Bilang mga mananampalataya na nakakaranas ng mga pagatake ni Satanas, mapagtitiwalaan natin ang katotohanan ng Roma 8:28: “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” Kaya nga, tiyak na mararanasan natin ang “mabubuting mga bagay” at “masasamang mga bagay” sa mundong ito, ngunit ang “lahat” ng mga bagay na ito ay ginagawa ng Diyos para sa ating “ikabubuti.” Kaya nga bagama’t masama ang pagatake ni Satanas, ang mga iyon ay hahantong sa “magandang” resulta” at sa huli habang pinapahintulutan ng Diyos ang mga bagay na iyon, nagiging kawangis tayo ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo (tingnan ang Roma 8:29). Ang mga pagatake ni Satanas, maging ang iba pang kahirapan ay nagtutulak sa mananampalataya na higit na ibigin ang Diyos, patuloy na labanan si Satanas, maging matiyaga sa pagtitiis, at lumago at lumakas sa pananampalataya sa maraming kaparaanan. Purihin ang Diyos para sa Kanyang walang hanggang pagiingat. Pasalamatan natin Siya sa Kanyang plano na gamitin ang lahat ng bagay – maging ang mga pagatake ni Satanas – para sa ating ikabubuti.
English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit hinahayaan ng Diyos na atakehin tayo ni Satanas?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries