settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalingan sa sakit? Ang kagalingang pisikal ba ay kasama sa pagtubos ni Kristo?

Sagot


Ang Isaias 53:5 na inulit sa 1 Pedro 2:24 ay mga pangunahing talata tungkol sa pagpapagaling, ngunit kadalasang mali ang pakahulugan at aplikasyon. "Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo" (Isaias 53:5). Ang salitang isinalin na "paggaling" ay maaaring tumukoy sa espirtiwal at pisikal na kagalingan. Ngunit malinaw na ang konteksto ng Isaias 53 at 1 Pedro 2 ay parehong may kinalaman sa espiritwal na kagalingan. "Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo" (1 Pedro 2:24). Ang parehong talata ay tumutukoy sa kasalanan at katuwiran hindi tungkol sa kasalanan at sakit. Kaya nga ang "kagalingan" sa parehong talata ay tumutukoy sa kapatawaran at kaligtasan hindi sa kagalingang pisikal.

Hindi direktang iniuugnay ng Bibliya ang piskal na kagalingan sa espiritwal na kagalingan. Minsan may mga taong gumagaling sa kanilang karamdaman pagkatapos nilang manampalataya kay Kristo, ngunit hindi laging ito ang nangyayari. Minsan, kalooban ng Diyos ang magpagaling ngunit minsan naman ay hindi. Binigyan tayo ni Apsotol Juan ng tamang pananaw tungkol dito: "At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: at kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi" (1 Juan 5:14-15). Gumagawa pa rin ng mga himala ang Diyos sa ngayon. Ang sakit, karamdaman at kamatayan ay mga katotohanang tiyak na mararanasan sa mundong ito. Hanggat hindi dumarating ang Panginoon, ang lahat ng nabubuhay ngayon ay tiyak na mamamatay at karamihan ng tao kasama ang mga mananampalataya ay mamamatay dahil sa problema sa pisikal gaya ng sakit o mga karamdaman. Hindi laging kalooban ng Diyos na pagalingin ang maysakit.

Mararanasan lamang ng mga Kristiyano ang ganap na kagalingan ng katawan sa Langit. Doon ay wala ng sakit, karamdaman, paghihirap o kamatayan man. (Pahayag 21). Hindi tayo dapat na lubhang nag aalala sa ating pisikal na kalagayan ditto sa lupa. Ang ating nararapat na pagtuunan ng mas maraming pansin ay ang ating kalusugang espiritwal (Roma 12:1-2). Kung gagawin natin ito, maitutuon natin ang ating mga puso sa langit kung saan hindi na tayo kailanman mag-aalala pa sa ating mga suliraning pisikal. Inilalarawan ng Pahayag 21:4 ang tunay na kagalingan na dapat nating pakanasain."At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalingan sa sakit? Ang kagalingang pisikal ba ay kasama sa pagtubos ni Kristo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries