settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ni Hesus ng kanyang sabihin, "hindi lilipas ang lahing ito"?

Sagot


Ang mga pananalitang ito ni Hesus na may kinalaman sa mga mangyayari sa mga huling araw ay matatagpuan sa Mateo 24:34; Markos 13:30; at Lukas 21:32. Sinabi ni Hesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito." Ang susi sa pangunawa sa ibig sabihin ni Hesus ay ang konteksto; kailangan nating maunawaan ang mga talatang nakapalibot dito, lalo’t higit ang mga talata bago ang talatang 34. Sa Mateo 24:4-31, ipinahayag ni Hesus ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang lahi ng mga tao na mabubuhay sa mga panahong iyon sa hinaharap ay ang ‘lahing’ kinakausap ni Hesus ng kanyang sabihin "hindi lilipas ang lahing ito" hanggang sa Kanyang muling pagparito. Sinabi na ni Hesus sa mga tao sa panahon ng Kanyang pagmiministeryo sa lupa na "inagaw na sa kanila ang kaharian" (Mateo 21:43). Kaya nga tiyak na ang sinasabi ni Hesus sa Mateo 24-25 ay patungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ang salitang ‘henerasyon’ o ‘lahi’ ay tumutukoy sa mga taong mabubuhay sa hinaharap kung mangyari na ang mga kaganapang tinutukoy sa Mateo 24-25.

Ang isa pang posibilidad ay ibinibigay ni Hesus ang isang hula na may ‘dalawang kaganapan.’ Ang ilan sa Kanyang mga hula ay mangyayari sa panahon ng lahing Kanyang kinakausap. Ang ilan sa mga hula ni Hesus ay maaaring naganap na ng wasakin ng mga Romano ang Jerusalem noong A.D. 70. Gayunman, ang ilang aspeto ng hula ni Hesus ay hindi naganap noong A.D. 70; halimbawa ang sinasabi sa Mateo 24:29-31. Ang problema sa pananaw na ito ay hindi ito tumutugma sa sinabi ni Hesus na "ang lahat ng mga bagay na ito ay mangyayari sa ‘lahing ito.’ Kaya nga, mas mainam na unawain ang salitang ‘ang lahing ito’ bilang pagtukoy sa lahi ng mga Hudyo sa panahon na magaganap ang mga pangyayari sa mga huling araw.

Sa esensya, sinasabi ni Hesus na, kung magsisimula na ang mga pangyayari sa wakas ng panahon, mangyayari iyon ng mabilisan. Ang konseptong ito ay inuulit-ulit sa maraming mga talata ng Kasulatan (Mateo 24:22; Markos 13:20; Pahayag 3:11; 22:7, 12, 20).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ni Hesus ng kanyang sabihin, "hindi lilipas ang lahing ito"?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries