settings icon
share icon
Tanong

Ano ang hindi mababawasang pagkamasalimuot (irreducible Complexity)?

Sagot


Ang Irreducible complexity o hindi mababawasang pagkamasalimuot ay isang terminolohiyang ginagamit upang ilarawan ang katangian ng isang masalimuot na sistema kung saan kinakailangan na ang lahat ng bahagi ay nasa tamang lugar upang kumilos o mabuhay. Sa ibang salita, imposible na mabawasan ang pagkamasalimuot ng isang sistema sa pamamagitan ng pagaalis ng anuman sa mga bahagi nito at manatili pa rin ang dating buhay o pagkilos nito.

Binanggit ni Professor Michael Behe ng Lehigh University ang terminolohiyang ito sa kanyang aklat na Darwin's Black Box, 1996. Pinasikat niya ang konseptong ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang karaniwang panghuli sa daga (mousetrap) bilang isang halimbawa ng irreducible complexity. Ang isang karaniwang panghuli sa daga ay binubuo ng limang pangunahing bahagi: ang panghuli, isang spring, isang pamukpok, isang bareta at isang pundasyon. Ayon kay Behe, kung ang kahit isa sa mga bahagi ay aalisin ng walang panghalili, ang buong sistema ay maaapektuhan at hindi na ito magagamit. Sinalungat ni Professor John McDonald ng University of Delaware ang irreducible complexity ng panghuli sa daga. Gumawa si McDonald ng isang presentasyon sa internet upang ilarawan ang kanyang argumento (panoorin sa http://udel.edu/~mcdonald/oldmousetrap.html). Gumawa si Behe ng pangontra sa argumento ni McDonald, (panoorin ang depensa ni Behe laban sa kanyang mga kritiko sa http://www.arn.org/docs/behe/mb_mousetrapdefended.htm). At nagpatuloy ang debate tungkol sa panghuli sa daga. Ngunit bukod ito sa pinupunto ng irreducible complexity. Hindi ang isyu ay kung totoo ba o hindi na ang isang panghuli sa daga ay isang bagay na irreducibly complex. Ang sentro ng isyu ay ang mismong konsepto ng irreducible complexity.

Ang tila hindi kontrobersyal na konsepto ng irreducible complexity ay nagiimbita ng matinding kontrobersya kung ilalapat ito sa sistema ng buhay. Ito ay dahil tinitingnan ito bilang pangontra sa teorya ng ebolusyon ni Darwin, na nananatiling dominanteng konsepto sa larangan ng biology o pinanggalingan ng buhay. Inamin ni Charles, "Kung kayang patunayan na ang anumang kumplikadong organismo ay umiiral at hindi posibleng mabuo sa pamamagitan ng marami, sunod-sunod at kaunting modipikasyon, tiyak na guguho ang aking teorya" (Origin of Species, 1859, p. 158). Ikinakatwiran ni Behe, "Hindi maaaring direktang mabuo ang isang irreducibly complex system (sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaunlad ng naunang kakayahan na patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng parehong mekanismo) sa pamamagitan ng bahagya at sunod sunod na pagbabago ng naunang sistema dahil ang anumang naunang sistema na nawawala na sa depinisyon, ay hindi na gumagana" (Darwin's Black Box, 1996, p. 39).

Dapat pansinin na hindi ibig sabihin ni Behe sa salitang "hindi na gumagana" ay hindi na maaari pang gumana ang naunang sistema – halimbawa, ang isang panghuli sa daga na nawawala ang spring ay maaari pa ring magamit sa ibang paraan. Hindi lamang nito kayang gawin ang isang partikular na gawain (ang paghuli sa daga) sa pamamagitan ng parehong mekanismo na nabawasan ng spring.

Nagiiwan ito ng posibilidad na ang mga irreducibly complex systems ay maaaring magbago ang anyo mula sa isang simpleng kasangkapan na maaaring makagawa ng iba pang gawain na walang kaugnayan sa orihinal nitong gawain. Maaari itong maging argumento para sa hindi direktang ebolusyon. Inamin ni Behe na "kung irreducibly complex ang isang sistema (at dahil dito ay hindi kayang mabuo ng direkta), hindi maaaring isantabi ang hindi direkta at paikot-ikot na ruta)" (ibid, p. 40).

Sa pagpapanatili ng analohiya ng panghuli sa daga, na may limang bahagi at hindi maaaring mabuo ng direkta mula sa isang mas simple at walang silbing bersyon ng sarili nito (at manatiling nakaayon sa konsepto ng ebolusyon ni Darwin sa pamamagitan ng natural na pagpili), maaari itong mabuo mula sa mekanismo na may apat na bahagi. Kaya nga ayon kay Behe, ang isang mas epektibo, at mas kumplikadong panghuli sa daga na nabuo nula sa isang simpleng bersyon nito ay magpapatunay sa direktang ebolusyon. Ang isang kumplikadong panghuli sa daga na nabuo mula sa isang kumplikadong gamit ay nagpapatunay sa hindi direktang ebolusyon. Sa ganitong pangangatwiran, itinuturing ang irreducible complexity bilang isang hamon sa ebolusyon.

Dapat ding pansinin na ang ebolusyon sa pamamagitan ng natural na pagpili ay hindi lamang nagpapakumplikado sa mga panimulang sistema. Maaari din nitong mapasimple ang sistema. Kaya nga, maaaring makabuo ang ebolusyon ni Darwin ng irreducible complexity sa pamamagitan ng pabaliktad na pamamaraan. Isang halimbawa ang popular na larong Jenga, isang laro kung saan inaalis ng mga manlalaro ang mga piraso mula sa itaas hanggang gumuho ito. Naguumpisa ang tower mula sa 54 piraso. Habang inaalis ng mga manlalaro ang mga piraso, nababawasan complexity (o paunti ng paunti ang mga bahagi nito) hanggang maging irreducibly complex ito (o kung ang anuman sa mga piraso ay maalis, guguho ang istruktura). Inilalarawan nito kung paanong ang isang sistemang irreducibly complex ay maaaring mabuo ng hindi direkta mula sa isang kumplikadong sistema.

Sinasabi ni Behe na mas hindi kumplikado ang isang irreducibly complex na sistema, mas malaki ang posibilidad na maaari itong mabuo mula sa isang hindi direktang ruta (alinman sa pagkabuo mula sa simpleng panimula na may ibang gamit o mula sa isang mas kumplikadong sistema na nawala ang ibang bahagi). Kaya nga mas kumplikado ang isang irreducibly complex system, mas maliit ang posibilidad na maaari itong mabuo sa pamamagitan ng hindi direktang ruta. Ayon kay Behe, "Habang mas nagiging kumplikado ang isang sistema, nababawasan ang posibilidad na mabuo ang isang bagay sa pamamagitan ng isang hindi direktang ruta" (ibid, p. 40).

Ginamit na halimbawa ni Behe ang flagellar system ng e coli bacteria para sa isang kumplikado at irreducibly complex system na pinaniniwalaan niyang hindi maaaring direktang mabuo (dahil ito ay irreducibly complex) at malamang na hindi rin mabuo ng hindi direkta (dahil ito ay sobrang napakakumplikado). Ang e coli flagellar system ay isang kahanga-hangang motor na makikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo at ginagamit ng e coli upang gumalaw sa kapaligiran nito. Yari ito sa 40 magkakaugnay na bahagi kabilang ang isang stator, isang rotor, isang driveshaft, isang u-joint, at isang elisi. Kung aalisin ang alinman sa mga bahaging ito, ang buong sistema ay hindi gagana. Ang ilan sa mga parte ng flagellum ay makikita sa maraming mga bagay na makikita lamang gamit ang mikroskopyo. Ang mga bahaging ito ay katulad din ng mga bahagi ng isang modernong sistema ng transportasyon. Kaya nga, maaari silang hiramin mula sa isang makabagong transportasyon (isang proseso na tinatawag na cooption). Gayunman, ang karamihan ng mga parte ng flagellum ng e coli ay kakaiba sa iba. Nangangailangan ng paliwanag kung paano nabuo ang bawat isa sa kanila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapaliwanag.

May napakaraming oposisyon laban sa irreducible complexity mula sa kampo ni Darwin. Ang ilan sa mga kritisismong ito ay balido, ang iba naman ay hindi. Gayundin naman, kailangang maging maingat sa pagsisiyasat ng mga pangangatwiran na ginawa ng mga nagsusulong ng irreducible complexity. Ang ilan sa mga halimbawa sa biolohiya na binabanggit ng mga nagsusulong nito ay reducible. Ngunit hindi nito pinapasinungalingan ang konseptong ito, o isinasantabi man ang mga aktwal na halimbawa ng irreducibly complex biological systems (gaya ng flagellum ng e coli bacteria). Ipinapakita lamang nito na maaaring magkamali ang mga siyentipiko, gaya ng karaniwang tao.

Sa pagbubuod, ang irreducible complexity ay isang aspeto ng matalinong disenyo o teorya ng Intelligent Design na naninindigan na ang ilan sa mga biolohikal na sistema ay napakakumplikado at nakadepende sa mga maraming kumplikadong bahagi at hindi sila maaaring magevolve o mabuo sa pamamagtan ng tsansa. Malibang ang lahat ng bahagi ng isang sistema ay nagevolve ng magkakasabay, magiging walang kabuluhan ang sistema at lalabas na makakasagabal pa ito sa organismo at dahi dito, sangayon sa "mga batas" ng ebolusyon, ito ay natural na manggagaling sa labas ng organismo. Habang hindi napakalinaw na pinatutunayan ng argumento ng irreducible complexity ang pagkakaroon ng isang matalinong Manlilikha, hindi rin mabisang pinabubulaanan nito ang ebolusyon, ipinapakita naman nito na may isang pinagmulan na lumikha ng mga bagay na may buhay, labas sa mga prosesong "nagkataon lamang."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang hindi mababawasang pagkamasalimuot (irreducible Complexity)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries