Tanong
Ano ang ibig sabihin na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi (2 Pedro 3:9)?
Sagot
Laging mahalaga na pagaralan ang mga talata ayon sa konteksto at totoong totoo ito sa 2 Pedro 3:9, kung saan mababasa, “Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng kabagalang itinuturing ng iba, kundi matiyaga sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.” Ang ikalawang bahagi ng talata na “hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi,” ay laging ginagamit para pabulaanan ang doktrina ng pagpili ng Diyos.
Ang 2 Pedro 3:9 ay paglalarawan sa mga manunuya na nagdududa na si Jesus ay muling paparito para hatulan ang mundo sa pamamagitan ng apoy (2 Pedro 3:3–7). Sinasabi ng mga manunuya. “Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating?” (talata 4). Sa mga talatang 5 hanggang 6, ipinaalala ni Pedro sa kanyang mga mambabasa na dati ng ginunaw ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha noong panahon ni Noe. Sa talata 7, ipinaalam ni Pedro sa kanyang mga mambabasa na ang kasalukuyang mga langit at lupa ay gugunawin sa pamamagitan ng apoy. Pagkatapos, tumugon si Pedro sa isang tanong na alam niyang nasa isip ng kanyang mga mambabasa na, “bakit nagtatagal ang pagdating ng Diyos?” Sa talata 8, sinasabi ni Pedro sa kanyang mga mambabasa na ang Diyos ay hindi sakop ng konsepto ng panahon. Tila naghihintay tayo sa loob ng mahabang panahon, ngunit sa Diyos, ito ay para lamang isang kisap mata. Pagkatapos sa talata 9, ipinaliwanag ni Pedro kung bakit tila nagtatagal ang pagdating ng Diyos (ayon sa ating pananaw sa panahon). Ito ay dahil sa habag ng Diyos kaya ipinagpapaliban Niya ang Kanyang paghatol. Binibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang mas maraming tao para magsisi. Pagkatapos, sa mga sumunod na talata, hinimok ni Pedro ang kanyang mga mambabasa na mabuhay sa kabanalan bilang paghahanda sa muling pagparito ni Jesus isang araw.
Ayon sa konteskto, sinasabi sa 2 Pedro 3:9 na ipinagpapaliban ng Diyos ang Kanyang pagdating para hatulan ang mundo upang bigyan ang mga tao ng pagkakaton na magsisi. Hindi kinokontra ng 2 Pedro 3:9 sa kahit anong paraan ang ideya na nagtatalaga ang Diyos ng mga tao para sa kaligtasan. Una, ayon sa konteksto, walang kinalaman ang pagtatalaga ng Diyos sa talata. Ikalawa, hindi nangangahulugan ang ang mga salitang “hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak” na “hindi Niya papayagan na ang sinuman ay mapahamak” na magreresulta sa maling doktrina ng unibersalismo (doktrina na ang lahat ng tao ay maliligtas). Ngunit hindi maaaring magnais ang Diyos na walang sinuman ang mapapahamak at pagkatapos ay magtatalaga siya ng ilan para sa kaligtasan. Walang malabo sa mga pahayag na ito. Hindi ninais ng Diyos na pumasok ang kasalanan sa mundo sa pamamagitan ng pagbagsak nina Adan ata Eba sa kasalanan pero pinahintulutan Niya ito. Sa katunayan, ito ay bahagi ng Kanyang walang hanggang plano. Hindi din ginusto ng Diyos na pagtaksilan ang Kanyang Anak, brutal na pahirapan, at patayin, ngunit pinahintulutan Niya ito. Ito ay bahagi rin ng Kanyang walang hanggang plano.
Gayundin naman, hindi gusto ng Diyos na ang sinuman ay mapahamak. Nais Niya na ang lahat ay magsisi. Gayundin naman, alam ng Diyos na hindi magsisisi ang lahat ng tao. Hindi maitatanggi na marami ang mapapahamak (Mateo 7:13–14). Sa halip na kasalungat ng 2 Pedro 3:9, ang pagpili ng Diyos sa maliligtas at paglalapit Niya sa ilan kay Jesus para maligtas ay ebidensya na tunay na hindi Niya gusto na ang tao ay mapahamak. Kung hindi dahil sa pagpili ng Diyos at sa Kanyang hindi natatanggihang pagtawag, ang lahat ay tiyak na mapapahamak (Juan 6:44; Roma 8:29–30).
English
Ano ang ibig sabihin na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi (2 Pedro 3:9)?