Tanong
Ano ang mangyayari sa mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataon na makarinig tungkol kay Hesus?
Sagot
Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa Diyos kahit na sila ay "nakarinig tungkol sa Kanya" o hindi. Sinasabi sa atin ng Bibliya na malinaw na inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kalikasan (Roma 1: 20) at sa puso ng mga tao (Mangangaral 3:11). Ang problema, ang sangkatauhan ay makasalanan; hindi natin tinanggap ang kaalamang ito tungkol sa Diyos at tayo ay naghimagsik laban sa Kanya (Roma 1: 21-23). Kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos, hahayaan Niya tayo sa makasalanang nasa ng ating mga puso, upang malaman natin kung gaaano kawalang-saysay at kahabag-habag na kalagayan ng malayo sa Kanya. Ito ay Kanyang ginagawa sa mga taong hindi tumanggap sa Kanya (Roma 1:24-32).
Hindi totoo na ang ilang mga tao ay hindi nakaalam ng anuman tungkol sa Diyos dahil normal sa tao na malaman na mayroong Diyos. Sa halip, ang problema ay hindi nila tinanggap ang kanilang narinig o nakita mula sa kalikasan. Sinasabi ng aklat ng Deuteronomio 4: 29 "Magkagayunman, masusumpungan ninyo muli si Yahweh kung Siya'y buong sikap at taimtim ninyong hahanapin." Ang talatang ito ay nagtuturo ng napakahalagang prinsipyo: ang lahat ng taong totoong humahanap sa Diyos ay masusumpungan Siya. Kung ang tao ay tapat na nagnanasang makilala ang Diyos, magpapakilala ang Diyos sa Kanya.
Ngunit ang isang malaking problema ay, "Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos." (Roma 3:11). Hindi tinatanggap ng tao ang kaalaman tungkol sa Diyos na makikita sa kalikasan at madarama sa kanilang mga puso, at sa halip nagdedesisyon silang sumamba sa diyus-diyosan na sila mismo ang may gawa. Walang patutunguhan ang debate na ang pagiging makatarungan ng Diyos ang siyang nagdala sa isang tao sa impiyerno na hindi nagkaroon ng pagkakataon na marinig ang Ebanghelyo ni Kristo. Ang mga tao ay papaanagutin ng Diyos sa kung ano ang inihayag ng Diyos sa kanila. Sinasabi ng Bibliya na hindi tinanggap ng mga tao ang ganitong kaalaman, samakatuwid ang Diyos ay matuwid na parusahan sila sa impiyerno.
Sa halip na pagdebatihan ang kapalaran ng mga taong hindi nakarinig ng anuman tungkol sa Diyos, tayo, bilang mga Kristiyano, ay dapat na ginagawa ang lahat ng ating makakaya upang marinig nila ang Ebanghelyo ng Diyos. Tayo ay tinawag upang ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng mga bansa (Mateo 28:19-20; Mga Gawa 1:8). Ang katotohanang na hindi tinatanggap ng tao ang pagpapakilala ng Diyos sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga niliha ay ang siyang dapat magtulak sa atin na ipahayag ang mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo sa lahat ng tao. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa Ebanghelyo ng biyaya ng Diyos sa Panginoong Hesu Kristo, ang tao ay maliligtas sa kanilang mga kasalanan at masasagip sa walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.
Kung ating ipinapalagay na yaong hindi kailanman nakarinig ng Ebanghelyo ay pwedeng pagkalooban ng habag mula sa Diyos, magkakaroon tayo ng malaking problema. At dahil ang mga taong hindi nakarinig ng Ebanghelyo ay hindi kailanman maliligtas"gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang sila'y makarinig ng Ebanghelyo. Ang pinakamasamang bagay na magagawa natin ay ibabahagi natin ang ebanghelyo sa mga tao at sabihin nating huwag nila itong tanggapin. Ang mga taong hindi nakarinig ng Ebanghelyo ay dapat hatulan, dahil kung hindi walang ng motibo para sa pagpapalaganap at pagbabahagi ng Ebanghelyo ng Diyos.
English
Ano ang mangyayari sa mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataon na makarinig tungkol kay Hesus?