settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat gawin kung ang isang mag-asawa ay hindi magkasang-ayon sa pag-iikapu / kung magkano ang ibibigay?

Sagot


Kung ang isang mag-asawa ay hindi magkasundo sa "pag-iikapu" o kung gaano ang ibibigay sa lokal na iglesya at iba pang ministeryo, maaaring magresulta ito sa alitan. Una, mahalaga na maunawaan na ang mga Kristiyano sa ilalim ng Bagong Tipan ay walang obligasyon na mag-ikapu ng kanilang kinikita. Pinasimulan ng Diyos ang ikapu sa Israel sa ekonomiya ng Lumang Tipan. Ang ikapu ay isang bagay na ginagawa na bago pa ibinigay ang kautusan (Genesis 14:20), at ang Levitico 27:30 ay nagsasabi na ang mga tao ay nag-iikapu para sa kanilang lupain, binhi o bunga ng mga puno dahil ang lahat ng ito ay sa Panginoon. Sa Deuteronomio 14:22, sinabi ni Moises sa mga tao ayon sa sinabi sa kanya ng Diyos, "Tiyaking ilaan ang ikasampung bahagi ng lahat ng bunga ng iyong mga bukid kada taon." Ang mga Israelita ay magdadala ng ikasampung bahagi ng lahat ng kanilang bunga at ibabalik iyon sa Panginoon. Ang ikapu ay sumusuporta sa tabernakulo at sa templo gayon din sa mga saserdote.

Ngayon, ang ating mga ikapu at mga handog ay isang handog ng pagmamahal na ibinibigay natin sa Diyos sa pagpapasalamat para sa mga pagpapalang tinatanggap natin bilang Kanyang mga anak. Wala na tayo nasa ilalim ng batas ng ekonomiya ng Lumang Tipan ngunit nasa panahon ng biyaya. Ang ating mga ikapu at mga handog ay isang paraan upang suportahan ang gawain ng Diyos sa ating mga lokal na simbahan pati na rin ang mga gawaing pagmimisyon.

Kapag magbibigay tayo sa Panginoon, dapat tayong magbigay mula sa masayang puso. "Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng maraming ay mag-aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sasariling pasiya, maluwag ang loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob" (2 Corinto 9: 6-7). Ang pagbibigay na napipilitan o pagbibigay upang mapunan ang isang kakulangan ay hindi magbibigay pakinabang sa atin sa espiritwal, hindi rin ito magdadala ng pagpapala sa ating sambahayan.

Sa kaayusan ng Diyos, ang magasawa ay iisa (Marcos 10: 8). Sa isip, dapat talakayin ng mag-asawa ang kanilang pagbibigay at magkasundo sa angkop na halaga at angkop na lugar na pagbibigyan batay sa mga prinsipyo ng Bibliya. Kung mayroong hindi pagkakasundo tungkol sa pagbibigay, hindi maaaring pangunahan ng asawang babae ang awtoridad ng kanyang asawa at magbigay sa kanyang gustong bigyan o subukan na pigilan ang asawa na magbigay. Sa paggawa nito, kinukuha ng asawang babae ang awtoridad ng pagiging pangulo (Efeso 5: 22-33) sa kanyang sarili, at ito ay labag sa kaayusan ng ng Diyos. Ang mga asawang babae ay dapat lumakad sa pagsunod sa utos ng Diyos at pasakop sa kanilang asawa tulad ng pagpapasakop sa Panginoon (Efeso 5:22). Gayundin, ang mga asawang lalaki ay dapat magpasakop sa Diyos at mahalin ang kanilang mga asawa nang walang pagkamakasarili (Efeso 5: 22-33). Dapat isaalang-alang ng asawang lalaki ang payo ng kanyang asawa at sa huli ay sundin ang pangunguna ng Panginoon. Kung ang alinman sa mag-asawa ay di-mananampalataya, ang parehong prinsipyo ay dapat pa ring pairalin. Ang asawang lalaki, bilang ulo ng pamilya ay nagtataglay ng huling pagpapasya patungkol sa pagbibigay.

Ang pagpapasakop sa kaayusan ng Diyos ay magdadala ng pagpapala at biyaya na manindigan para sa pananampalataya. May sariling paraan ang Diyos sa pagsasagawa ng mga bagay-bagay, at maaari tayong manatiling tapat o manood lamang na hindi natin itinutuwid ang nakikita nating mali. Matatagpuan natin sa 1 Samuel ang walang hanggang prinsipyong ito: "Sumagot si Samuel, 'Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa sa pagsunod sa Kanya? Ang pagsunod sa Kanya ay higit sa handog at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa" (1 Samuel 15:22).



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat gawin kung ang isang mag-asawa ay hindi magkasang-ayon sa pag-iikapu / kung magkano ang ibibigay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries