Tanong
Gusto kong magkaanak ngunit ayaw ng aking asawa, ano ang aking gagawin?
Sagot
Idineklara sa Bibliya na isang pagpapala ang mga anak. Sinasabi sa Awit 127:3, "Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak." Ito ay salungat sa maraming pananaw sa mundo na itinuturing ang mga anak na hadlang at kabigatan. Hindi dapat tingnan ang mga bata bilang sagabal kundi pagpapala.
Ang kawalan ng pagnanais na magkaroon ng mga anak ay kadalasang nagmumula sa makasariling motibo. May mga tao na ayaw magkaanak dahil nais nilang maituon ang pansin sa kanilang sarili, sa kanilang mga pangarap, at sa kanilang salapi. Hindi nila nais na "maigapos" o isakripisyo ang kanilang mamahaling sasakyan, bahay, o trabaho. Ang ganitong saloobin ay isang kasalanan. May iba naman na ayaw magkaanak dahil sa takot na baka hindi sila maging matagumpay na magulang, hindi maipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga anak, o dahil sa takot sa mismong panganganak.
Kung hindi alam ang mga dahilan sa kawalan ng kagustuhang magkaanak, mahirap na malaman kung tama o mali ang nararamdaman. Mayroon bang isyu sa kalusugan? May mga isyu ba sa nakalipas na hindi pa naaayos? Ang mga bagay na ito ay dapat na pagusapan ng magasawa, at humingi ng tulong sa mga prospesyonal na tagapayo kung kinakailangan.
Bilang mga Kristiyano, ang ating debosyon ay dapat na una sa Diyos na nagsabi na ang mga anak ay isang pagpapalang mula sa Kanya. Pagkatapos, ang pinakamahalagang relasyon ay sa ating asawa. Kung napakahalaga para sa isa sa magasawa ang pagkakaroon ng anak, dapat itong isaalang-alang sa diwa ng paggalang at pagpapasakop sa isa't isa (tingnan ang Efeso 5:21-33). Ang totoo, ang paksang ito ay dapat na talakayin bago pa ang pagpapakasal.
Kung itatalaga natin ang ating mga sarili sa pananalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pagbubulay-bulay nito, ipapaalam sa atin ng Diyos ang Kanyang kalooban kung uunahin natin Siya. Idineklara sa Roma 12:2, "Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos."
English
Gusto kong magkaanak ngunit ayaw ng aking asawa, ano ang aking gagawin?