settings icon
share icon
Tanong

Ano ang magiging hitsura natin sa langit?

Sagot

Sa kabanata 15 ng aklat ng Corinto, tinalakay ni Pablo ang tungkol sa muling pagkabuhay at ang niluwalhating katawan. Sa mga talatang 35 at kasunod na mga talata, sinabi niya na ang ating mga katawang panlangit ay magkakaroon ng malaking pagkakaiba sa ating mga natural na katawan dito sa lupa. Habang ang ating mga katawang panlupa ay namamatay, ang ating niluwalhating katawan ay hindi mamamatay. Gayundin naman, habang ang ating mga katawang panlupa ay nabubulok, ang ating mga niluwalhating katawan ay hindi mabubulok (1 Corinto 15:53). Gayundin, habang ang ating mga natural na katawan ay mahina, ang ating mga niluwalhating katawan ay magiging malakas at makapangyarihan (talata 43).

Ang isa pang pagkakaiba ay ang ating mga katawan ngayon ay panlupa, ngunit pagkatapos magkakaroon tayo ng espiritwal na katawan. Hindi ito nangangahulugan na magiging gaya tayo ng multo na walang katawan na nagpapalutang lutang at walang kakayahan na makipag-ugnayan sa mga bagay sa ating kapaligiran. Sinasabi sa talata 49 na magkakaroon tayo ng maluwalhating katawan na gaya ng katawan ni Jesus (tingnan din ang 1 Juan 3:2). Pagkatapos niyang mabuhay na mag-uli, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na hipuin nila Siya at panoorin nila Siyang kumain para ipakita na hindi lamang Siya isang espiritu (Lucas 24:37-43). Sa halip, kung paanong ang ating natural na katawan ay angkop sa buhay na ito sa kasalukuyan sa ating pisikal na daigdig, ang espiritwal na katawan ay magiging ankgop para sa walang hanggang pag-iral sa ating walang hanggang tahanan sa hinaharap. Ang niluwalhating katawan ni Jesus ay may kakayahan na pumasok sa nakasaradong silid anumang oras Niya gustuhin (Juan 20:19). Nalilimitahan tayo ng ating mga panlupang katawan sa maraming paraan ngunit walang maraming limitasyon ang magiging espiritwal na katawan.

Inilalarawan din sa 1 Corinto15:43 ang pagbabago ng panlupang katawan mula sa pagiging “walang karangalan at mahina” sa pagiging “marangal at malakas.” Sinasabi sa Filipos 3:21, "sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati." Ang ating mga katawang nabubulok ay inilarawan sa mga pananalitang “walang karangalan” dahil nagtataglay ito ng mga markang resulta ng kasalanan. Minsan, ang ating mga katawan ay inilalarawan na nasisira dahil sa ating mga sariling personal na kasalanan gaya ng isang utak na hindi gumagana ng normal dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. May mga kaso din na ang ating mga katawan ay may marka ng kasalanan ng ibang tao, gaya ng peklat dahil sa pananakit sa ating mga katawan ng ibang tao. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi lamang mga pisikal na marka ng kasalanan. Sa mas pangkalahatang terminolohiya, ang pagkabulok ng pisikal na katawan ay direktang resulta ng pagbagsak ng tao sa kasalanan. Kung walang kasalanan, walang pagkabulok at kamatayan (1 Corinto 15:56). Ngunit sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, kaya tayong gawin ng Diyos na Kanyang mga anak na may bago at maluwalhating mga katawan na ganap na malaya mula sa kasiraan ng kasalanan at nagtataglay ng kaluwalhatian ni Cristo.

Sa paglalagom, hindi tayo sinabihan kung ano ang eksaktong magiging hitsura ng ating mga katawan sa kabilang buhay, kung ano ang ating magiging edad, o kung tayo ay mataba o payat doon. Ngunit habang maraming naniniwala na may ilang pagkakahawig ang ating magiging maluwalhating katawan sa ating mga katawan ngayon dito sa lupa, alam natin na sa anumang paraan na naapektuhan ng kasalanan ang ating anyo o kalusugan (kung ito man ay dahil sa maling paraan ng pamumuhay, minanang mga karamdaman, pinsala dahil sa aksidente, o dahil sa pagtanda, etc), ang mga katangiang ito ay hindi makikita sa ating hitsura sa kabilang buhay. Higit na mahalaga, hindi na rin natin tataglayin ang ating makasalanang kalikasan na ating minana kay Adan (Roma 5:12) dahil ang ating niluwalhating katawan ay gagawing kawangis sa kabanalan ni Cristo (1 John 3:2).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries