settings icon
share icon
Tanong

Hudas Iscariote ba ay pinatawad / naligtas?

Sagot


Malinaw na ipinapahiwatig ng Bibliya na si Hudas ay hindi naligtas. Sinabi mismo ni Hesus patungkol kay Hudas, “Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.” (Mateo 26:24). Ito ang malinaw na paglalarawan ng walang hanggang kapamahalaan ng Diyos at ng kalayaan ng tao na gumagawang magkasama. Ang Diyos, mula sa pa sa walang hanggan, ay itinakda na si Kristo ay ipagkakanulo ni Hudas, mamamatay sa krus para sa ating mga kasalanan at mabubuhay na mag-uli. Ito ang ibig sabihin ni Hesus ng Kanyang sabihin, “humayo ka at gawin kung ano ang nasusulat tungkol sa Kanya.” Walang makapipigil sa plano ng Diyos na magkaloob ng kaligtasan sa mga sasampalataya sa Kanya.

Gayunman, ang katotohanan na itinakda na ng Diyos ang lahat ng nangyayari ay hindi nagbibigay ng dahilan kay Hudas upang maabswelto siya sa kaparusahan na kanyang daranasin bilang bahagi ng “drama” ng pagliligtas ng Diyos. Ginawa ni Hudas ang ayon sa kanyang kagustuhan at ito ang dahilan sa kanyang kaparusahan. Ang kanyang malayang pagpapasya ay ayon sa walang hanggang plano ng Diyos. Kontrolado ng Diyos hindi lamang ang mabuti kundi maging ang kasamaan ng tao na gumagawa para sa layunin ng Diyos. Makikita natin dito na kinokondena ni Hesus si Hudas, ngunit kung isasaalang-alang na naglakbay si Hudas na kasama si Hesus sa loob ng halos tatlong taon, alam natin na may sapat siyang pagkakataon para sa magsisi at maligtas. Kahit na pagkatapos ng kanyang pagkakanulo kay Hesus, maaaring manikluhod si Hudas at magmakaawa sa Diyos para sa kapatawaran dahil sa kanyang pagtataksil. Ngunit hindi niya ito ginawa. Maaaring nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa takot na nagtulak sa kanya upang isauli ang talumpung salaping pilak sa mga Pariseo, ngunit hindi siya tunay na nagsisi, sa halip, pinili pa niya ang magpakamatay, isang pagpapakita ng kanyang pagiging ganap na makasarili (Mateo 27:5-8).

Sinasabi sa Juan 17:12 patungkol kay Hudas, “Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.” May isang pagkakataon, na maaaring naniwala si Hudas na si Hesus ay isang propeta o posibleng maaaring naniwala siya na si Hesus ang Mesiyas. Isinugo ni Hesus ang mga alagad upang ipangaral ang Ebanghelyo at gumawa ng mga himala (Lukas 9:1-6). Kasama si Hudas sa grupong ito. May pananampalataya si Hudas, ngunit hindi iyon ang pananampalatayang nagliligtas. Hindi kailanman naligtas si Hudas ngunit sa maiksing panahon, siya’y naging isang tagasunod ni Hesus.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Hudas Iscariote ba ay pinatawad / naligtas?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries