settings icon
share icon
Tanong

Magkakaroon bang muli ng templo sa Jerusalem sa Huling Panahon?

Sagot


Binabanggit sa Bibliya ang ilan sa mga pangyayaring magaganap sa isang templo sa Jerusalem (Daniel 9:27; Mateo 24:15). Sinasabi sa atin sa 2 Tesalonica 2:4 tungkol sa Antikristo, “Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.” Bago maganap ang ilang pangyayari sa huling panahon, itatayong muli ang isang templo sa Jerusalem. Ito ang magiging ikatlong templo - ang una ay ang templong itinayo ni Solomon; at ang ikalawa ay ang templong itinayo ni Zorobabel na kalaunan ay pinalaki ni Herodes.

Mayroon pa ring “maliit” na problema dahil nakatayo ngayon sa lugar na pagtatayuan ng ikatlong templo ang tinatawag na “Dome of the Rock” ng mga Muslim. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang lugar na ito ang lugar kung saan umakyat si Mohamad patungo sa langit at dahil dito, ito ang pinakabanal na altar para sa kanila. Kung pagbabasehan ang kalagayang pampulitika sa Israel sa panahong ito, mahirap isipin na aagawin ng mga Hudyo ang lugar na ito at itatayo doon ang isang templo. Ngunit, bago o sa panahon ng Kapighatian, itatayo muli ang templo, bilang tanda ng pakikipagkasundo ng Antikristo sa Israel (Daniel 9:24-27).

Ang pagtatayo ng templo ng mga Hudyo ay isang tiyak na indikasyon ng kaganapan ng mga hula tungkol sa Huling Panahon. Sa panahon ng Kapighatian magaganap ang tinatawag na “kasuklam-suklam na kalapastanganan” na tinutukoy sa Markos 13:14. Magaganap ang pagdagit sa mga mananampalataya anumang oras mula ngayon – hindi mauuna ang pagtatayong muli ng templo – kaya’t kailangan na maging handa ang mga Kristiyano sa lahat ng oras.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Magkakaroon bang muli ng templo sa Jerusalem sa Huling Panahon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries