settings icon
share icon
Tanong

May sinasabi bang anuman ang Bibliya tungkol sa tagumpay ng ikalawang pagaasawa?

Sagot


Si Abraham ang tanging taosa Bibliya na partikular na I ilarawan ang pagaasawa ng ikalawa pagkatapos na mamatay ang kanyang asawang si Sara (Genesis 25:1), Ngunit hindi inilarawan saanman sa BIbliya kung ano ang nagging resulta ng kanyang ikalawang pagaasawa. Ngunit, kung ang muling pagaasawa ay dahilan sa pagkamatay ng datiung asawa o dahil sa diborsyo mula sa dating asawa, may mga prinsipyo sa Bibliya na tiyak na mailalapat upang magtagumpay ang ikalawang pagaasawa.

Ito man ay una, ikalawa o ikatlong pagaasawa, ang lalaking asawa ay dapat na magpakasakit para sa kanyang asawang babae (Efeso 5:25) habang ang asawang babae naman ay dapat na magpasakop ng buo sa kanilang asawa (Efeso 5:22). Dapat na ituring ng lalaki at ng kanyang asawa ang kanilang relasyon bilang permenente at tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila (Mateo 19:6). Dapat na ibigin ng magasawa ang isa't isa, magpatawaran sa isa't isa, at igalang at unawain ang isa't isa (Efeso 5:33; 1 Pedro 3:7).

Laging nagbun=bunga ang ikalawang pagaasawa ng pagiisa ng dalawang pamilya at ito mismo ay maaring magbunga sa maraming kabalisahan. Ang prinsipyo ng "pagiwan at pagsama" ay napakahalaga. Ang pagaaswa ang dapat na maging prayoridad ng bawat isa sa halip na ang ibang relasyon sa unang pamilya dahil ang pagaasawa lamang ang nagiging isa sa dalawang laman. Ang mga problema sa relasyon na nagmumula sa pinaghalong pamilya ay dapat na harapin ng may pagkakaisa.

Napakahalagapara sa lalaki at babae na nagasawang muli na hindi nila ikumpara ang kanilang asawa sa kanilang dating asawa. Ang ganitong senaryo ay nagdudulot lamang ng kapaitan, pagseselos, at hindi makatotohanang ekspektasyon. Ang bagong asawa ay hindi dating babe o lalaki bilang isang dating asawa at hindi dapat asahan na maging katulad ng dating asawa. Kung ang dati mang pagaasawa ay kahanga hanga o nakakapanlumo, ang emosyon at sama ng loob ay hindi dapat na ilipat sa bagong relasyon.

Higit sa lahat, ang susi upang maging matagumpay ang bagong pagaasawa ay ang pagtatalaga ng relasyon sa Diyos at sa pagtitiwala sa Kanya para sa kinakailangang biyaya at lakas. Ang relasyon ng magasawa ay ginagamit na halimbawa sa realsyon ni KRisto sa iglesya (Efeso 5:29–32). Tanging sa pamamagitan lamang ni Kristo magiging matagumpay ang pagsasama ng magasawa. Gayundin naman, kung dumating ang pagsubok sa pagsasama, nararapat na humingi ng payo ang magasawa mula sa isang pastor o Krsitiyanong tagapayo (Kawikaan 15:22). Ang pangunawa sa sinasabi ng Diyos tungkol sa pagaasawa at pagtatalaga ng buhay sa kanya ang susi sa tagumpay sa relasyon bilang magasawa.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

May sinasabi bang anuman ang Bibliya tungkol sa tagumpay ng ikalawang pagaasawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries