Tanong
Tunay bang hinulaan sa Lumang Tipan ang ikalawang pagdating ng Mesiyas?
Sagot
Hinulaan sa Lumang Tipan ang ikalawang pagdating ni Cristo na tinutukoy din bilang ikalawang pagdating ng Mesiyas. Ilang hula sa Lumang Tipan ang may kinalaman sa unang pagdating noong unang dumating si Cristo sa mundo bilang isang tao. Ang iba namang hula ay may kinalaman sa ikalawang pagdating na pinakaultimong tagumpay ng Mesiyas. Mahalagang tandaan na hindi inilalarawan ng hula ang hinaharap na gaya ng paglalarawan ng kasaysayan sa nakalipas. Kaya, habang ang mga hula sa Lumang Tipan ay tiyak na naglalarawan sa parehong una at ikalawang pagdating, nakakaraming interpretasyon sa mga hulang ito ang tumutukoy sa iisang pangyayari. Partikular noong bago isilang si Jesus, ipinagpapalagay na ang Mesiyas ay magiging isang pigura sa pulitika o militar ng isang kaharian sa lupa (Lukas 19:11). Sa liwanag ng ministeryo ni Jesus, posibleng maunawaan ang tunay na layunin ni Cristo at ang tunay na kalikasan ng Kanyang kaharian.
Ang isang maingat na pagaaral sa mga hula sa Lumang Tipan ay nagpapakita ng pagpapalagay sa dalawang pagdating. Hinulaan sa Micas 5:2 at Isaias 7:14 ang unang pagdating. Magkahiwalay namang ihihula sa Isaias 53:8–9 ang pagdurusa at kamatayan ng Mesiyas na bibigyan ng buhay at kadakilaan ayon sa Isaias 53:11–12. Inilalarawan sa Daniel 9:26 ang Mesiyas na pinatay pagkatapos ng Kanyang pagpapakita. Gayundin naman, ang mga tunay na propeta gaya ni Zacarias (Zacarias 12:10) ay nagsasabi na ang Mesiyas na “tinusok” ay muling makikita ng kanyang mga kaaway. Kaya nasa Lumang Tipan ang mga palatandaan.
Marami sa mga hula sa Lumang Tipan ang tinukoy ang ultimong tagumpay ni Cristo na magaganap sa Kanyang ikalawang pagdating. Kasama sa mga ito ang mga aklat ni Zacarias (Zacarias 9:14–15; 12:10–14; 13:1; 9:14–15); Amos (Amos 9:11–15); Jeremias (Jeremias 30:18; 32:44; 33:11, 26); at Joel (Joel 3:1); kung saan inilalarawan ang matagumpay na pagdating ng Mesiyas na magbibigay daan sa kaligtasan ng Israel. Pansinin na ang mga ito ay ayon sa konteksto ng mga talata sa Kasulatan gaya ng Deuteronomio 30:3–5 at gayundin ang mga hula sa panahon ng huling tagumpay ng Mesiyas.
Gayundin, itinala sa Kasulatan ang direktang pagkukumpara ni Jesus sa mga hula sa Lumang Tipan sa tuwing inaangkin Niya ang Kanyang ikalawang pagdating. Halimbawa, ang mga pananalita ni Jesus sa Mateo 24:31 at Markos 13:27 ay kapareho sa mga paglalarawan sa Isaias 52:15 at Isaias 59—62.
Sa pangkalahatan, ipinapahiwatig ng Kasulatang Hebreo na magpapakita ang isang Ipinangako, Siya ay papatayin, at muling lilitaw ng matagumpay. Ang unang pagdating ay naganap na; ang ikalawa ay magaganap pa sa hinaharap. Parehong hinuhulaan sa Luma at Bagong Tipan ang ikalawang pagdating ng Mesiyas.
English
Tunay bang hinulaan sa Lumang Tipan ang ikalawang pagdating ng Mesiyas?