- Ano ang ilog ng tubig ng buhay?
settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ilog ng tubig ng buhay?

Sagot


Ang eksaktong parirala na “ilog ng tubig ng buhay” ay hindi literal ang pakahulugan sa Bibliya. Gayunman, tinutukoy sa Pahayag 22:1-2 ang “isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero.” Sa kanyang pangitain tungkol sa Bagong Jerusalem, inilarawan ni Apostol Juan ang isang ilog na “umaagos sa gitna ng lansangan ng siyudad.”

Ang tubig ay karaniwang simbolo ng buhay na walang hanggan sa Kasulatan. Tinukoy ni Propeta Isaias ang pag-igib ng tubig mula sa “balon ng kaligtasan” ng may kagalakan (Isaias 12:3). Sinaway ng propeta sa Lumang Tipan na si Jeremias ang mga Israelita sa kanilang pagtalikod sa Diyos, “ang bukal ng tubig ng buhay,” at sa kanilang paghuhukay para sa kanilang sarili ng sisidlan na hindi maaaring paglagyan ng tubig (Jeremias 2:13). Tinalikuran ng mga Israelita ang buhay na Diyos, na bukod tanging nagbibigay ng buhay na walang hanggan at naglingkod sa mga diyus diyusan, kamunduhan at relihiyong ginawa ng tao. Ganito rin ang ginagawa ng mga tao ngayon. Tinatanggihan nila ang tubig ng buhay na tagnging ang Panginoong Hesu Kristo lamang ang makapagbibigay sa isang uhaw at maalikabok na buhay na dulot ng materyalismo at pagiging makasarili.

Hinimok ni Hesus ang babaeng Samaritana sa balon na humingi sa Kanya ng tubig ng buhay upang hindi na siya muling mauhaw sa espiritwal (Juan 4:13-14). “Mula sa loob ng mga nananalig sa Kanya,” ang sabi ni Hesus sa Juan 7:38, “ay babalong ang tubig ng buhay.” Ang tubig ay naaangkop at madaling nauunawan bilang simbolo ng buhay. Gaya ng pisikal na tubig na kinakailangan upang bigyang buhay ang pisikal na buhay sa mundo, ang tubig ng buhay na nagmumula sa ating Tagapagligtas ay kinakailangan naman upang magbigay ng buhay na espiritwal. Si Hesus ang tinapay ng buhay (Juan 6:35) at ang pinagmumulan ng tubig ng buhay na nagpapanatili sa Kanyang bayan magpakailanman.

Ang ilog ng tubig ng buhay sa Pahayag 22 ay masasabing isang simbolo o representasyon ng buhay na walang hanggan na libreng ipinagkakaloob ng Diyos sa sinumang sumasampalataya kay Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ilog ng tubig ng buhay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries