settings icon
share icon
Tanong

Iniibig ba ng Diyos si Satanas?

Sagot


Hindi maaaring ibigin ng Diyos si Satanas at hindi rin natin siya dapat ibigin. Hindi maaaring ibigin ng Diyos ang kasamaan o ang kawalan ng kahit anong kabanalan at si Satanas ang representasyon ng lahat ng ito. Si Satanas ‘ang ‘kalaban ng Dios’ (1 Pedro 5:8); ‘ang masama’ (Mateo 6:13); ‘ang ama ng kasinungalingan’ at ‘ang mamamatay tao’ (Juan 8:44); ‘ang tagapagsakdal sa mga anak ng Diyos’ (Pahayag 12:10), ‘ang manunukso’ (1 Tesalonica 3:5); ‘ang mapagmataas,’ ang ‘pinakamasama’ at ‘marahas’ (Isaias 14;12-15); ‘ang manlilinlang’ (Gawa 13:10); ‘ang nagpaplano ng kasamaan’ (Efeso 6:11); ‘ang magnanakaw (Lukas 8:12); at marami pang iba. Sa katotohanan, Siya ang representasyon ng lahat ng bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang puso ni Satanas ay hindi na magbabago at pinagtibay Niya ang kanyang pagkapoot sa Diyos at tiyak na ang kanyang hatol at kaparusahan. Inilalarawan sa Pahayag 20 ang plano ng Diyos kay Satanas sa hinaharap, at hindi kasama sa Kanyang planong ito ang kanyang pag-ibig para dito.

Ang utos ni Hesus na ibigin natin ang ating mga kaaway (Mateo 5:44) ay para ating pakikipagrelasyon sa ating kapwa tao sa mundong ito. Iniibig natin ang Diyos at iniibig natin ang lahat ng tao (maging ang ating mga kaaway) na ginawa ayon sa wangis ng Diyos. Ang mga anghel ay hindi ginawa ayon sa wangis ng Diyos. Hindi tayo inutusan ng Diyos na ibigin ang mga banal na anghel, at tiyak na hindi rin tayo inuutusan na ibigin ang masasamang anghel.

Dahil si Satanas ang kumakatawan sa lahat ng bagay na laban sa Diyos na ating iniibig, hindi natin maaaring ibigin si satanas. Kung iibigin natin si Satanas, mapipilitan tayong kamuhian ang Diyos dahil ang kabanalan ang kabaliktaran ng kasalanan.

Ipinasya na ng Diyos na wala ng kapatawaran pa para kay Satanas. Tayo ang pinagukulan ng Diyos ng Kanyang pag-ibig, na Kanyang ipinadama sa atin doon sa krus. Dahil buong pag-ibig na tinubos ng Diyos ang sangkatauhan, inilagay Niya si Satanas sa "kahihiyan sa harap ng madla" (Colosas 2:15). Ang paghatol ng Diyos kay Satanas ay bahagi ng Kanyang dakilang pag-ibig para sa atin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Iniibig ba ng Diyos si Satanas?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries