settings icon
share icon
Tanong

Iniibig ba ako ni Jesus?

Sagot


Marami ang nagtatanong kung mahal o iniibig ba talaga sila ni Jesus. Sa Biblia ay maliwanag na sinasabing iniibig tayo ni Jesus, kahit ano pa man ang ating nagawa. Sa katunayan ay nangako Siya na tayo ay kanyang patatawarin sa lahat ng pagkakamaling ating nagawa at mayroon siyang nakalaan na buhay na walang hanggan kung tayo ay sasampalataya sa Kanya. "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).

Sinasabi rin sa Roma 8:5 na, "..ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa." Bago pa man tayo isilang ay isinugo na ng Diyos ang kanyang Bugtong na Anak na si Jesus upang mamatay alang-alang sa atin at pinagkalooban tayo ng buhay na walang hanggan. Ang kamangha-manghang regalong ito ay dumating sa atin dahil sa kanyang kagandahang loob: "Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Efeso 2:8-9). Hindi natin kailangang pagsikapan ang kanyang pagmamahal; kinakailangan lang natin itong tanggapin.

Marahil ay mahirap paniwalaan na iniibig ka ni Jesus dahil sa mga taong humahamak sa'yo noon. Gayunman, dapat mong maunawaan na si Jesus ay hindi katulad ng ng ibang tao; dahil Siya ay Diyos na nagkatawang tao (Juan 1:14). Siya ay sangkot sa paglikha sa atin, Siya ang nagpapanatili ng ating paghinga at nag aalok Siya sa atin ngayon ng buhay na walang hanggan sa langit kasama niya.

Ang isa pang dahilan kung bakit tila mahirap tanggapin na iniibig ka ni Jesus ay dahil ang mga nagawa mo noon ay bumabagabag sa iyo. Subalit alam ni Jesus ang iyong nakaraan at patuloy pa rin Siyang nagaalok sa'yo ng buhay na walang hanggan at kapatawaran. Ang napakagandang halimbawa ng kanyang pag-ibig ay makikita natin sa mga huling sandali niya sa krus. Isa sa mga tao na napakong kasama Niya ay hinatulan ng kamatayan dahil sa isang krimen. Tumingin siya kay Jesus at nagsabi, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso" (Lucas 23:42-43). Sa kabila ng pagkakasala ng kriminal na iyon ay tinanggap ni Jesus ang kanya simple ngunit taus-pusong pananampalataya at pinangakuan siya ng buhay na walang hanggan sa langit—kahit na nga alam ni Jesus na wala ng panahon ang taong ito upang ipakita ang kanyang buhay na binago. Kaya't tuwing magtatanong tayo, "gaano ba ako kamahal o iniibig ni Jesus?" Ang kailangan lamang nating gawin ay tumingin sa krus. Nakaunat ang kanyang kamay at sinasabi sa atin, ganito kita iniibig." Ibinigay Niya ang kanyang buhay upang tayo ay magkaroon ng bagong buhay.

Bilang paanyaya, maaari kang manalangin ng pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas ngayon din at tanggapin ang kanyang pag-ibig at buhay na walang hanggan. Walang espesyal na dasal na kailangan mong sambitin ngunit pwede kang tumugon sa panalanging katulad nito:

"Oh, Diyos, napagtanto ko po na ako ay makasalanan at hindi ako makakarating sa langit sa pamamagitan ng aking mabubuting gawa. Ngayon din ay nagtitiwala at sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos na nabuhay na mag-uli mula sa mga patay upang bigyan ako ng buhay na walang hanggan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tulungan mo po akong mamuhay para Sa 'yo at ayon sa iyong kalooban. Salamat po sa pagtanggap at pagbibigay sa akin ng buhay na walang hanggan."

Nakapagpasya ka na ba para kay Jesus dahil nabasa mo sa artikulong ito? Kung ganoon, i-klik mo lang ang buton sa ibaba na, "tinanggap ko na si Jesus ngayon."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Iniibig ba ako ni Jesus?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries