settings icon
share icon
Tanong

Iniibig ba ng Diyos ang lahat o mga Kristiyano lamang?

Sagot


Totoo na iniibig ng Diyos ang lahat ng tao sa buong mundo (Juan 3:16; 1 Juan 2:2; Romans 5:8). Ang pag-ibig na ito ay walang kundisyon; ito ay base lamang sa katotohanan na ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig (1 Juan 4:8, 16). Ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ay makikita sa Kanyang kahabagan sa lahat ng tao na hindi Niya sila pinarurusahan agad dahil sa kanilang mga kasalanan (Roma 3:23; 6:23). Ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ay ipinahayag Niya sa Kanyang pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na magsisi (2 Pedro 3:9). Gayunman, ang pag-ibig ng Diyos sa mundo ay hindi nangangahulugan na hindi na niya papansinin ang kasalanan. Ang Diyos ay Diyos din ng katarungan (2 Tesalonica 1:60). Hindi Niya hahayaan na ang anumang kasalanan ay hind maparusahan (Roma 3:25-26).


Ang pinakadakilang pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos ay inilarawan sa Roma 5:8, �Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.� Ang sinuman na tatanggihan ang pag-ibig ng Diyos, at tatanggihan si Kristo bilang Tagapagligtas na Siyang tumubos sa kanyang kasalanan (2 Pedro 2:1) ay makakaranas ng walang hanggang poot ng Diyos (Roma 1:18), hindi ng Kanyang pag-ibig (Roma 6:23). Iniibig ng Diyos ang bawat tao sa mundo ng walang kundisyon at ipinakikita Niya ito sa bawat isa sa pamamagitan ng hindi Niya pagpaparusa agad kung sila'y nagkakasala. Ngunit sa kabilang dako, ang Diyos ay mayroon din namang �Tipan ng pag-ibig� para sa mga maglalagak ng pananampalataya kay Hesu Kristo para sa kanilang kaligtasan (Juan 3:16). Yaon lamang nananampalataya kay Hesu Kristo bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas ang makakaranas ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos hanggang sa kabilang buhay.

Iniibig ba ng Diyos ang lahat ng tao? Oo. Iniibig ba Niya pareho ang mga Kristiyano at mga hindi Kristiyano? Oo. Iniibig ba Niya ang mga Kristiyano sa mas mataas na antas kaysa sa mga hindi Kristiyano? Oo. Iniibig ng Diyos ang lahat at Siya ay mahabagin sa lahat. Ngunit mataas ang antas ng Kanyang pag ibig sa mga Kristiyano kaysa sa hindi Kristiyano sa kadahilanang ang mga Kristiyano lamang ang pinagkalooban Niya ng biyaya at kahabagan at ng walang hanggang pag-ibig na Kanyang ipadadama sa kanila hangang sa Langit. Ang walang kundisyong pag-ibig ng Diyos para sa lahat ang dapat na magtulak sa atin upang manampalataya sa Kanya at tanggapin ng may pasasalamat ang Kanyang walang hanggang pag-ibig na Kanyang iniuukol sa mga tumatanggap kay Hesu Kristo bilang kanilang Tagapagligtas.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Iniibig ba ng Diyos ang lahat o mga Kristiyano lamang?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries