Tanong
Ano ang Teorya ng Matalinong Disenyo (Intelligent Design)?
Sagot
Ang Teorya ng Matalinong Disenyo ay nagpapahayag na ang mga matalinong kadahilanan ay kinakailangan upang maipaliwanag ang masalimuot at kahanga-hangang kaayusan sa biolohiya, at ang mga kadahilahang ito ay siguradong mapupuna. May mga katangian ang biolohiya na sumasalungat sa sapalaran at nagkataon lamang na pagpapaliwanag ni Darwin (Darwin random-chance theory) kaya masasabing ito ay parang “idinesenyo.” At dahil ang katwiran ng pagdidisenyo sa mga nilkha ay nangangailangan ng isang matalinong manlilikha, ang paglitaw ng argumento tungkol sa Matalinong disenyo ay isang matibay na katibayan na may isang Manlilikha. May tatlong pangunahing pangangatwiran sa Teorya ng Matalinong Disenyo: 1) hindi mababawasang pagkamasalimuot (irreducible complexity), 2) Tiyak na pagkamasalimuot (specified complexity), at 3) pantaong prinsipyo (anthropic principle).
Ang irreducible complexity ipinapaliwanag na “isang tanging pamamaraan na binubuo ng iba't ibang mahusay na pagkakatugma tugma ng mga bahagi na nagtutulungan para sa mahalagang gawain na kung aalisin ang kahit isa sa mga bahagi ay tiyak na titigil ito sa paggawa." Sa payak na pagpapahayag, ang buhay ay pinagagana ng masalimuot na mga bahagi na umaasa sa bawat isa upang maging kagamit-gamit. Ang mga hindi inaasahang pagbabago ay maaaring maging dahilan sa pagbuo ng isang bagong bahagi, subalit hindi ito maaring maging dahilan para sabay sabay na mabuo ang iba't ibang bahagi na kinakailangan para sa isang gumaganang pamamaraan. Halimbawa, ang mata ng tao ay isang kagamit-gamit na kumbinasyon. Kung walang "eyeball," "optic nerve," at "visual cortex," ang hindi inaasahang pagbabago ay magreresulta sa hindi kumpletong mata at sa gayon ay hindi ito pakikinabangan. Ito rin ang magiging sagabal sa kaligtasan ng isa pang uri at dahil doon ay mawawalan ng kabuluhan ang "natural selection" o likas na pagpili. Ang mata ay magiging kagamit-gamit na parte ng katawan lamang kung ang lahat ng bahagi nito ay naroroon at sabay-sabay na gumagana ng maayos.
Ang "specified complexity" naman ay ang pagkaunawa na, yamang ang tiyak na masasalimuot na disenyo ay matatagpuan sa mga organismo, mayroong namamahala sa mga disenyong ito na siyang kanilang pinagmulan. Ang paliwanag sa tiyak na pagkamasalimuot ay nagpapahayag na napakahirap paniwalaan na ang mga masalimuot na disenyo ay mabubuo sa pamamagitan ng hindi inaasahan o nagkataon lamang na pamamaraan. Halimbawa, kung ilalagay ang 100 unggoy sa isang silid na puno ng 100 kompyuter, ang mga unggoy ay maaaring makagawa ng ilang salita, o kahit isang pangungusap, subalit hindi sila makagagawa ng isang dula na gaya ng kay Shakespeare. At gaano higit na mas masalimuot ang isang buhay kaysa sa isang dula ni Shakespeare?
Ang "anthropic principle" ay nagpapahayag na ang mga elemento sa mundo at buong sandaigdigan ay "tinimpla" upang magkaroon ng buhay sa mundo. Kung ang proporsyon ng mga elemento na nasa hangin ng mundo ay mabago kahit kaunti, maraming may buhay ang biglang mamamatay. Kung ang mundo ay may ilang milya na mas malapit o mas malayo mula sa araw, maraming may buhay ang mamamatay. Ang pagkakaroon ng buhay at ang pananatili ng buhay sa mundo ay nangangailangan ng maraming pagbabago-bagong elemento upang maging ganap na nasa tamang timpla. Napakahirap sa lahat ng mga may buhay ang pagbabago at mabuhay sa pamamagitan ng hindi inaasahan at hindi magkakatugmang pangyayari.
Habang ang Teorya ng Matalinong Disenyo ay hindi kinikilala ang pinagmulan ng katalinuhan (maging ito ay Diyos o ET, o anuman), ang karamihan sa naniniwala sa teoryang ito ay may paniniwala sa Diyos. Nakikita nila na ang paglitaw ng disenyo na laganap sa mundo ng biolohiya ay isang katunayan na may Dios. Gayunpaman, may mga ilang naniniwala sa katunayan ng Matalinong disenyo ang hindi pa rin kumikilala sa isang Diyos na Manlilikha. Pinaniniwalaan nila na ang mundo ay pinunlaan ng mga matalinong mga nilalang mula sa ibang planeta. Siyempre, hindi rin nila alam ang pinagmulan ng mga nilalang na ito, kaya bumabalik sila sa unang tanong na walang kapani-paniwalang sagot.
Ang Teorya ng Matalinong Disenyo ay hindi ang paglikha ayon sa Biblia. May malaking kaibahan sa dalawang paniniwala. Ang mga naniniwala sa paglikha ayon sa Biblia ay naniniwala na ang kasaysayan ng paglikha sa Bibliya ay mapanghahawakan at totoo, at ang pamumuhay sa mundo ay pinlano ng isang matalinong Diyos. Pagkatapos ay tumitingin sila sa mga katunayan mula sa natural o likas na pangangatwiran upang patunayan ang kanilang pinaniniwalaan. Ang mga naniniwala naman sa Teorya ng Matalinong Disenyo ay nagsisimula sa natural o likas na pangangatwiran at nagpapasya na ang buhay sa Mundo ay idinesenyo ng isang matalinong manlilikha maging sino man ito.
English
Ano ang Teorya ng Matalinong Disenyo (Intelligent Design)?