settings icon
share icon
Tanong

Dapat ko bang ipagtapat ang aking pangangalunya sa aking asawa?

Sagot


Ang pagtatapat o hindi pagtatapat ng kasalanan ng pangangalunya sa isang asawa ay isang mahirap na desisyon para sa maraming Kristiyano na nagkaroon ng malungkot na karanasan ng pagbagsak sa kasalanan ng pangangalunya. Kalimitang sinasabi ng mga �eksperto� sa mundo na dapat na itikom na lamang ng mga nakaranas ng pangangalunya ang kanilang bibig upang maiwasan ang mas malalang problema kung ipagtatapat nila ang kanilang kasalanan sa kanilang asawa. Ang problema sa hakbang na ito ay pinipigilan nito ang konsensya at hinahadlangan ang pagpapanumbalik ng relasyon na bunga ng pagtatapat sa kabiyak. Sinasabi sa Santiago 5:16, �Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.�

Matalinong sinabi ni Apostol Pablo, �Kaya't pinagsisikapan kong laging maging malinis ang aking budhi sa harap ng Diyos at ng tao� (Gawa 24:16). Bagama�t ang pangangalunya ay isang kasalanan, unang una ay sa Diyos, sinasabi din ng Bibliya na ang ating katwan ay hindi na sa atin kundi sa ating asawa (1 Corinto7:4). Ang pisikal na akto ng pagtatalik ay simbolo kung paanong ang magasawa ay nagiging isang laman ng pagisahin sila ng Diyos sa matrimonyo ng kasal (1 Corinto 6:15-16). Dahil sa mga kadahilanang ito, ang isang taong nagkasala ng pangangalunya ay dapat na laging manalangin at hayaan na pangunahan siya ng Banal na Espiritu, at ipagtapat ang kanyang pangangalunya sa kanyang kabiyak sa tamang panahon.

Ang paguusig ng budhi ay hindi mawawala sa pamamagitan ng simpleng hindi pagpansin dito. Sa katotohanan, maaaring ito ay magbunga ng problema sa isip at katawan. Gaano man kahirap na magtapat sa asawang lalaki o asawang babae na hindi ka naging tapat minsan sa inyong pagsasama, kinakailangan ito hindi lamang para sa integridad ng inyong pagsasama bilang magasawa kundi para din sa inyong relasyon sa mga tao at sa Diyos upang maging malinis ang inyong konsensya at mabuhay kayo sa isang banal at malinis na pamumuhay sa harap ng tao at ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat ko bang ipagtapat ang aking pangangalunya sa aking asawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries