settings icon
share icon
Tanong

Bakit ipinadala ng Diyos si Hesus sa panahong Kanyang itinakda? Bakit hindi mas maaga? Bakit hindi sa ibang panahon?

video
Sagot


�Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan� (Galacia 4:4). Ang talatang ito ay nagsasabi na ipinadala ng Diyos Ama ang Kanyang Anak nang �dumating ang kapanahunan.� Maraming mga pangyayari ang naganap sa unang siglo na sa ating kaisipan, ay siyang pinakatamang panahon sa pagdating ni Hesus.



1) Naghihintay ang mga Hudyo ng panahong iyon sa pagdating ng Mesiyas. Ang pananakop ng mga Romano sa Israel ang naging daan upang manabik sila sa pagdating ng Mesiyas.

2) Pinag-isa ng Roma ang lahat ng bansa sa panahong iyon sa ilalim ng pamamahala nito at siyang naging dahilan ng pagkakaisa sa maraming lugar. Gayundin, dahil sa mapayapa ang pamamahala ng mga Romano, naging posible ang payapang paglalakbay. Ito ang nagbigay daan sa mga Kristiyano na ipangalat ang Ebanghelyo. Ang kalayaang maglakbay ay imposible sa ibang mga yugto ng panahon sa kasaysayan.

3) Habang ang Roma ay nananakop sa aspetong militar, ang Gresya naman ay nananakop sa aspetong kultural. Ang isang �pangkalahatang porma� ng wikang Griego (kakaiba sa klasikong Griego) ang salitang ginagamit sa kalakalan at siyang wikang ginagamit sa buong imperyo ng Roma na siyang dahilan upang ang Ebanghelyo ay maipangaral sa maraming grupo ng tao.

4) Ang katotohanan na maraming pekeng diyos o diyus-diyusan ang nabigong bigyan sila ng tagumpay laban sa mga mananakop na Romano ang nagtulak sa mga Hudyo na iwaksi ang pagsamba sa mga diyus-diyusang ito. Gayun din naman, sa maraming siyudad na may pinag aralan ang mga tao, ang pilosopiya ng mga Griego at siyensya ay hindi rin nakapagbigay ng kasiyahan sa aspetong espiritwal gaya ng ateismo sa mga kumunistang bansa sa kasalukuyan.

5) Ang mga misteryosong relihiyon ng panahong iyon ay binibigyang diin ang isang diyos na tagapagligtas na hinihingi ang isang madugong paghahandog na siyang nagbigay daan sa Ebanghelyo ni Kristo na maging kapani-paniwala dahil sa Kanyang madugong paghahandog. Ang mga Griyego ng panahon ding iyon ay naniniwala sa imortalidad o kawalang kamatayan ng kaluluwa (ngunit hindi ng katawan).

6) Ang mga Romanong sundalo ay nagganyak ng mga gustong maging sundalo sa mga probinsya, at ipinakilala sa mga sundalong ito ang mga ideya at kulturang Romano (gaya ng Ebanghelyo) sa mga malalayong probinsyang hindi pa naaabot ng Ebanghelyo. Ang pinaka-unang pagpapakilala ng Ebanghelyo sa Britanya ay resulta ng pagbabahagi ng mga Kristiyanong sundalo na nakahimpil doon.

Ang mga nabanggit na kadahilanan ang basehan ng mga taong naniniwala na ang panahon kung kailan ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak ang pinakaangkop na panahon. Nauunawaan natin na ang paraan ng Diyos ay mas mataas sa paraan ng tao (Isaias 55:8) at ang mga ito ay maaari o hindi maaaring magandang dahilan kung bakit ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak sa partikular na panahong nabanggit. Mula sa konteksto ng Galacia 3 at 4, makikita na inibig ng Diyos na itatag muna ang pundasyon ng kautusan ng mga Hudyo na maghahanda sa pagdating ng Mesiyas. Ang kautusan ay ginawa upang tulungan ang tao na munawaan ang bigat ng kanilang kasalanan (at dahil doon ay hindi nila kayang sumunod sa kautusan) upang maging handa sila na tanggapin ang lunas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ni Hesus na Siyang Tagapagligtas. Ang kautusan ang naging tagapamahala (Galacia 3:24) upang ituro ang tao kay Hesus bilang Tagapagligtas. Ginawa ito sa pamamagitan ng maraming mga hula tungkol sa Mesias na tinupad ni Hesus. Idagdag pa dito ang sistema ng paghahandog na pangrelihiyon ng mga Hudyo na itinuturo ang pangangailangan ng handog para sa kasalanan at ang kawalang kasapatan nito (at bawat handog ay laging nangangailangan ng isa pang paghahandog). Ang kasaysayan ng Lumang tipan ang naglarawan ng persona at Gawain ni Kristo sa pamamagitan ng mga kaganapan at kapistahang panrelihiyon (gaya ng pagpayag ni Abraham na ihandog ang kanyang anak na si Isaac o amg mga detalye ng paskuwa noong lumabas ang mga Israelita sa Ehipto at marami pang iba).

Sa huli, dumating si Hesus ng Kanyang ganapin ang isang partikular na hula. Binabanggit sa Daniel 9:24-27 ang �70 linggo� o ang �pitumpung pito.� Sa konteskto, ang mga linggong ito o mga �pito� ay tumutukoy sa grupo ng 7 taon, hindi ng pitong araw. Maaari nating siyasatin ang kasaysayan at ilinya ang mga detalye ng unang 69 na linggo (ang ikalabimpitong linggo na magaganap sa isang nakatakdang panahon). Ang pagbibilang ng 70 linggo ay nag-uumpisa sa �paguutos na muling itayo ang Jerusalem� (talata 25). Ang utos na ito ay ginawa ni Artaxerxes Longimanus noong 445 B.C. (tingnan ang Nehemias 2:5). Pagkatapos ng pitong mga pito na may dagdag na animnapu�t siyam na pito o 69 X 7 taon, sinasabi ng hula na �mahihiwalay ang pinahiran at mawawalan ng anoman.� Ang mga tauhan ng isang pinuno ay �darating at wawasakin ang siyudad at ang santuwaryo� at ang wakas ay �darating na gaya ng baha� (nangangahulugan ng isang malaking pagkawasak) (talata 26). Mayroon tayong hindi magkakamaling reperensya ng kamatayan ng Tagapagligtas sa krus. Isang daang taon ang nakalilipas, sa kanyang aklat na may titulong �The Coming Prince,� buong detalyado na kinuwenta ni Sir Robert Anderson ang 69 na linggo gamit ang mga �taon ng propesiya.� Kanyang kinuwenta maging ang mga leap year, ang mga pagkakamali sa kalendaryo at ang pagbabago mula sa B.C. hanggang A.D. at iba pa. Natagpuan niya na ang 69 na linggo ay natapos sa mismong araw na si Hesus ay matagumpay na pumasok sa Jerusalem, limang araw bago ang Kanyang kamatayan. Kung gagamitin man o hindi ang kwentadang ito, ang punto ay tumatama ang pagkabuhay na mag-uli ni Kristo sa panahon na idinetalye sa hula ni Propeta Daniel mahigit limang daang taon bago iyon mangyari.

Ang panahon ng pagkakatawang tao ni Kristo ay naganap sa panahon na ang mga tao ay handang handa na sa Kanyang pagdating. Ang lahat ng tao sa bawat siglo mula noon ay may sapat na ebidensya na si Hesus nga ang ipinangakong Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang pagganap sa mga Kasulatan na inilarawan at inihula sa Lumang Tipan ng may nakamamanghang detalye.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit ipinadala ng Diyos si Hesus sa panahong Kanyang itinakda? Bakit hindi mas maaga? Bakit hindi sa ibang panahon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries