settings icon
share icon
Tanong

Ang kaluluwa ba ng mga naagas / ipinalaglag o mga namatay na sanggol sa sinapupunan ng kanilang ina ay pumupunta sa langit?

Sagot

Ang aborsyon ay hindi ginagawa ng mga tao noong panahon ng Bibliya at hindi kailanman binabanggit sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na nakita na ng Panginoon kahit ang mga sanggol na hindi pa naisisilang (Awit 139:13-16). Bagama’t hindi binabanggit sa Bibliya ang aborsyon o mga inagas na mga sanggol, may dalawang susi upang masagot ang tanong kung ang kaluluwa ba ng mga ipinalaglag o inagas na sanggol ay pupunta sa langit.

Ang unang susi ay mula sa nag-iisang tala sa Bibliya na kung saan binanggit ang kamatayan ng isang sanggol. Sa 2 Samuel 12, ating nalalaman ang maling relasyon ni David kay Bathseba na asawa ni Urias. Nalaman ni David mula kay propeta Nathan na ang bunga ng maling relasyong iyon ay mamamatay. Nanalangin at nag-ayuno si David, at hiniling sa Diyos na huwag ituloy ang Kanyang hatol. Ngunit namatay din ang sanggol, kung kaya’t nagbangon si David mula sa pananalangin at pag-aayuno, at siya ay kumain.

Nang tanungin ng kaniyang mga tauhan ang kaniyang ikinilos, mababasa natin ang tugon ni David sa 2 Samuel 12:23, “Ngayong patay na siya, bakit pa ako mag-aayuno; maibabalik ko pa ba ang kanyang buhay? Balang araw, susunod ako sa kanya ngunit hindi na siya makakabalik sa akin.” Ang tugon ni David ay sumasalamin sa malinaw niyang pagkaunawa na hindi na muling makababalik sa lupa ang kanyang anak ngunit isang araw makakasama ni David muli ang kaniyang anak sa langit. Ipinapakita nito hindi lamang ang katiyakan ng hinaharap ni David patungo sa langit (Awit 23:6), kundi kasama rin nito ang katiyakan na nasa sa langit rin ang kaniyang anak. Mula sa talang ito, masasabi natin na ang mga sanggol na namamatay ay papunta sa langit.

Ang ikalawang susi upang masagot ang isyung ito ay ang pagkaunawa sa karakter at mga katangian ng Diyos. Ang Diyos ng katuwiran ay dapat magparusa sa kasalanan dahil itinuturo sa atin ng Bibliya na “kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6:23). Bagama’t ang hindi pa naisisilang na sanggol o ang naagas na sanggol ay wala pang pagkakataon upang sadyain na gumawa ng kasalanan, lahat ng sanggol na ipinagbubuntis ay nagdadala ng likas na kasalanang minana mula kay Adan (Awit 51:5) at samakatuwid sila rin ay hahatulan. Sa parehong pagkakataon, inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili bilang Diyos ng pag-ibig at kahabagan (Awit 136:26). “Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay Niyang ginawa” (Awit 145:7). Sa ganitong karakter ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob, inilalapat Niya ang sakripisyo ni Jesus sa mga hindi pa naipangaganak na biktima ng aborsyon. Alam natin na ang dugo ni Cristo ay sapat sa ganitong bagay. “Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao” (1 Juan 2:2)

Hindi tuwirang sinasabi ng Bibliya kung napupunta ba o hindi sa langit ang namatay na sanggol na hindi pa naisisilang. Kung walang malinaw na tala, tayo ay maaaring maghahaka-haka lamang. Ngunit alam natin ang pag-ibig, kagandahang-loob at kahabagan ng Diyos. Alam natin ang kasiguraduhan ni David na muli niyang makakasama ang kanyang anak. At alam natin na may paanyaya si Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos” (Lucas 18:16) Base sa mga katiyakang ito, tayo ay naniniwala at nagsasabi na ang kaluluwa ng mga sanggol ay kaagad na nagtutungo sa piling ng Diyos sa oras na makitil ang kanilang mga buhay dahil sa aborsyon.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries